Monday, June 22, 2015

ANG IYONG PAGTULA

Ni Caltixto G. Perona - Ika 21 ng Hunyo, 2015

Ang husay mo sa pagtula, sinong 'di matutuwa?

Mga tulang kinakatha, punong puno ng diwa.

Salamat sa tulad mong hindi lumilimot

Laging lumilingon sa pinagmulang laot.

Ngayong ikaw ay nasa pampang na at namamahinga

Ang nasa isip pa rin pinagmulang hirap ng ama at ina.