Compiled by Laura B. Corpuz, laurabc@bumail.bradley.edu, from High School and College Notes (1956 - 1966) with more riddles from the References listed at the bottom of the page. Some of these riddles were translated from many dialects into our national language, Filipino, for rhyming and better understanding purposes.
Many of our old folks never allowed us to say riddles except during wake time and only if the riddles were "homework." My cousins and I oftentimes would use "homework" as an excuse for reciting riddles. Some of these riddles may sound familiar, however, there are a few that are hardly heard of because of their antiquity. When I was still young, the riddles almost always started like this- "Marunong ka man at maalam, angkan ka ng mga paham, turan mo." ("You may be wise and intelligent, belonging to a learned ancestry, name it.") Well, let's have a little brain exercise. (Note: These riddles may have been heard, said, or written in a different way, but they express the same ideas.)
Hayop, Isda, at Insekto
1. Anong nilalang ng Diyos ang may karne sa tuktok?
2. Naka-kapa ay hindi naman pari
Naka-korona ay hindi naman hari.
3. Minahal at inalagaan saka dinala sa labanan.
4. Heto na si bayaw, dala-dala’y ilaw.
5. Anong nilalang ng Diyos na laylay ang ulo kung matulog?
6. Mayuong siyam na ibon; binaril ko ang lima. Ilan ang natira?
7. Nang munti pa ay may buntot nang lumaki ay napugot.
8. May ulo’y walang buhok may tiyan walang pusod.
9. Heto na si Kaka sunung-sunong ang dampa.
10. Anong orasan ang hindi sinususian?
11. May alaga akong hayop malaki pa ang ulo kaysa tuhod.
12. Nakatira sa gubat hindi mahawakan sa balikat.
13. Baston ni San Juan ang katawan ay malubay.
14. Anong nilalang ng Diyos na bukas ang mata kung matulog?
~~
Sagot: 1) tandang, 2) tandang, 3) tandang, 4) alitaptap, 5) paniki, 6) lima, lumipad ang apat, 7) palaka, 8) palaka, 9) ahas, 9) pagong, 10) manok/tandang, 11) tutubi, 12) ahas, 13) ahas, 14) ahas
Halaman, Prutas at Pagkain
1. Tatlong bundok ang naraanan bago narating ang karagatan.
2. Isang unggoy nakaupo sa lusong.
3. Nagsaing si Betong nasa ibabaw ang gatong.
4. Bahay ni Impong Huli haligi’y bali-bali.
5. Bahay ni Santa Maria punung puno ng bala.
6. Bahay ni Nana Bita punung puno ng paminta.
7. Bahay ni Santa Ana napapaligiran ng espada.
8. Isang magandang dalaga hindi mabilang ang mata.
9. Anong bagay ang natutunaw pagbalik sa pinanggalingan?
10. Bibingka ng hari, hindi mahati-hati.
11. Ang manok kong pute nagtalon sa pusale.
12. Nanganak ang aswang aa tuktok nagdaan.
13. Isda ko sa sapa-sapa sapin-sapin ang taba
14. Bumili akong ng isang bagay upang aking pakinabangan
Ang nangyari pagdating sa bahay luha ko’y hindi mapigilan.
15. Baboy ko sa pulo-pulo balahibo ay pako.
16. Tiningnan nang tiningnan bago ito nginitian.
17. Ang bulaklak ay parang sanga ang sanga ay naging bunga.
18. Magandang kahon ng hari nabuksan ay hindi maisauli.
19. Kung ako’y mamahalin mo makasasama ako sa iyo.
20. Halamang hindi namumulaklak marami ang dahon wala namang prutas.
21. Nang munti pa ay may tapis nang lumaki ay nabulislis.
22. Bunga na ay namumunga pa.
23. Hindi prinsesa, hindi reyna; bakit may korona?
24. Bahay ni Adan walang bintana, walang hagdan.
25. Tinaga nang tinaga ngunit walang makitang gatla.
26. Nanganak ang Birhen, itinapon ang lampin.
27. Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig,
dahon ay makikitid, bunga ay matutulis.
28. Sinampal muna bago inalok.
29. Dalagang nakakorona, napaligiran ng mata.
30. Langit ang paligid ang gitna ay tubig.
31. Tubig sa ining-ining hindi mahipan ng hangin.
32. Ang ina’y gumagapang na, ang anak ay nauupo na.
33. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
34. May palda na at may tapi, lagi pa ring bulislis.
35. Hindi tao, hindi hayop, pilos ang damit nito.
36. Nang hinawakan ay namatay, nang iniwanan ay nabuhay .
37. Nang maala-ala y naiwan, nadala nang malimutan.
38. Anong nilalang ni Bathala na nabubuhay sa bahay ng walang bintana?
~~
Sagot: pagbiyak ng niyog, 2) kasoy, 3) bibingka, 4) alimango, 5) papaya, 6) papaya, 7) pinya, 8) pinya, 9) asin, 10) tubig, 11) hugas bigas, 12) saging,13) saha ng saging, 14) sibuyas, 15) langka, 16) mais, 17) mais, 18) itlog, 19) alak, 20) kawayan, 21) kawayan, 22) bunga) 23) bayabas, 24) itlog, 25) tubig, 26) saging, 27) palay, 28) sampalok, 29) pinya, 30) niyog, 31) tubig ng niyog, 32) kalabasa, 33) kasoy, 34) mais, 35) mabolo, 36) damong makahiya, 37) damong makahiya, 38) itlog na balot
Bahagi ng Katawan
1. May dalawa akong kahon, nabubuksan na walang ugong.
2. Dalawang batong maitim, malayo ang nararating.
3. Dalawang magkaibigan, sabay nagbukas ng tindahan.
4. Nakikita ang iba, ngunit hindi ang sarili niya.
5. Dalawang balahibuhin, nakatutuwang pagdikitin.
6. Malaon nang patay, hindi mailibing dahil buhay pa ang kapitbahay.
7. Putol ka nang putol, hindi naman malipol.
8. Dalawang malalim na balon, hindi mo naman malingon.
9. Hawakan mo’t naririto, hanapin mo’t wala ito.
10. May magkakapatid na sampu, puro puti ang kanilang panyo.
11. May dalawang magkaibigan, nagpunta sa aming bayan
Ang likod ay nasa harapan, ang tiyan ay nasa likuran.
12. Napapaligiran na ng bakod, ito pa rin ay labas masok.
13. Hindi makita ng nagbukas, ang kaharap ang nakamalas.
14. Dalawang balong malalim, hindi maabot ng tingin.
15. Tubo sa punso wala namang buko.
16. Isang balong malalim tinutubuan ng garing.
17. Ang bintana ay pito, naisasara lamang ay tatlo.
18. May sampung prinsesa kakalahati ang korona.
~~
Sagot: 1) mata, 2) mata, 3) mata, 4) mata, 5) mata at pilikmata, 6) bulag ang isang mata, 7) buhok, 8) tainga, 9) tainga, 10) daliri, 11) binti, 12) dila, 13) ngipin, 14) tainga, 15) tumutubong buhok, 16) bunganga, 17) mukha, 18) sampung daliri
Iba’t Ibang Bagay
1. Takot ako sa isa, matapang sa dalawa.
2. Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan.
3. Anong gawa ng Diyos, ang lumalakad sa kanyang likod.
4. Bahay na lalang ni Bathala, punung puno ng bintana.
5. Kung bayaan mo akong mamatay, hahaba ang aking buhay.
Kung bayaan mo akong mabuhay, madali akong mamamatay.
6. Isang mataas na kahoy, maliwanag ang dahon.
7. Dalawang ibong pipit, nagtitimbangan sa siit.
8. Nang matuyo ang sapa, namatay ang palaka.
9. Kalabasa ng Bulakenya, abot sa Maynila ang baging at sanga.
10. Takbo siya nang takbo, hindi makalayo sa lugar nito.
11. Aso kong lumundag ng pitong balon
Lumukso pa ng pitong gubat bago nakarating sa dagat.
12. Kung hindi sa tatlong letra (t,o,s) makakain natin ito sana.
13. Tatlong kaluluwa, init ang nadarama.
14. Kung itulak mo ay kubol, kung hilahin mo ay tungkod.
15. Hawakan mo ang buntot ko at sisisid ako.
16. Nang ibaba ko ay tuyo, nang hilahin ko’y tumutulo.
17. Tinitingnan ko siya, ako’y tinitingnan niya
Nagtitinginan kaming dalawa.
18. Nakatingin ako sa kaniya; ako’y tinitingnan din niya
Pagtawa ko’y tumatawa rin siya.
19. Mayruon akong kaibigan kasama ko kahit saan.
20. Dala ko siya, dala niya ako, nagdadalahan kaming dalawa.
21. Dalawang barko, iisa ang pasahero.
22. Hayop ang ulo, ang buntot ay tao.
23. Kinaskas nang kinaskas maputi ang lumabas.
24. Bahay ni nana Gunding, butas-butas ang dinding.
25. Ang nagpagawa ay umiiyak, bali wala sa ilalagak.
26. Habang iyong binabawasan, lalung lumalaki ang kabilugan.
27. Tatlong pari sa probinsya, ‘di makapagmisa kung wala ang isa.
28. May tatlong babaeng nagsimba
Berde ang suot ng isa; puti naman ang pangalawa
Ang pantatlo'y may suot na pula
Lumabas sa simbahan matapos ang misa
Ang tatlong babae ay lahat nakapula.
29. Ang salita niya ay malinaw subalit hindi maunawaan
Tingnan mo ang mukha niya't sinsabi'y malalaman.
30. Nabubuhay kung hawakan, namamatay kung bitawan.
31. Lumalakad na walang paa; maingay paglapit niya.
32. Hindi hayop, hindi tao; apat ang suso.
33. Dala niya'y karneng patay ang hanap ay karneng buhay.
34. Anong kabayo ang hindi tumatakbo?
~~
Sagot: 1) tulay na kawayan, 2) bangka, 3) bangka, 4) bahay ng manok, 5 kandila, 6) kandila, 7) hikaw, 8) langis na ilaw, 9) kalsada, 10) duyan, 11) sungka, 12) asintos, 13) tungko ng kalan, 14) paying, 15) sandok, 16) tabo,17) salamin, 18) salamin, 19) anino, 20) bakya, sapatos, tsinelas, 21) bakya, sapatos, tsinelas, 22) arao, 23) gilingan/kiskisan, 24) buslo, 25) ataol, 26, ) butas, 27) tungko ng kalan, 28) nganga ng matanda, 29) relo, 30) lapis/pluma, 31) alon, 32) basket na kwadrado, 33) bingwit, 34) palantsahan
Tao, Relihiyon, Simbahan, at Agham
1. Ano ang pinakamatamis sa matamis?
2. Nagtanin ako ng dayap sa gitna ng dagat, marami ang humanap iisa ang nagkapalad.
3. Pinonggos ko nang pinonggos, pinaluwag naman ng Diyos.
4. May 59 akong baka, isa lang ang tali nila.
5. Tatlo and botones, apat ang ohales.
6. Kahit ako’y iyong titigan hindi mo pa rin ako matatanaw.
7. Letrang “C” naging “O” Letrang “O” naging “C.”
8. Naghasik ako ng mais pag-umagay napapalis.
9. Sa liwanag ay hindi mo makita sa dilim ay maliwanag sila.
10. Palda ni Santa Maria ang kulay ay iba-iba.
11. Sa minsang kumindat natatakot ang lahat.
12. Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo.
13. Tinuktok ko ang bangka, nagsilapit ang mga isda.
14. Hinila ko ang bagting, nagkakara ang matsing.
15. Anong bahagi ng katawan ang banal?
~~
Sagot: 1) pag-ibig, 2) dalaga, 3) panganganak, 4) rosaryong dasalan, 5) Kristo, 6) sinag ng araw, 7) buwan, 8) bituin, 9) bituin, 10) bahaghari, 11) kidlat, 12) buwan, 13) kampana, 14) kampana
15) kaliwang balikat kung English, kanan kung Tagalog/Filipino - Nag-aantanda ng Santa Krus
References:
1) Corpuz, Laura B., Personal Collection from High School and College Notes, Philippines
2) Frederick Starr, 1909 Filipino Riddles. World Book Co. Yonkers, New York.
3) Donn V. Hart, 1964 Riddles in Filipino Folklore an Anthropological Analysis Syracuse University Press.