Wednesday, September 26, 2012

BUHAY NG PALAY Tula Copyright 1955

Tinula ni Sofia Garcia Balatbat na itinuro naman sa kanyang mga apo na sina Ervin Paz B. Bacon dela Rosa, M.D. at Noe Balatbat Bacon, M.D. Ang tulang ito ay saulado na rin nina Jhun Bailete at Juan Balagtas dela Rosa, pawang apo sa tuhod ni Sofia. Siya ay tunay na magsasaka na nagpahalaga sa palay na kaniyang pinagkunan ng ikabubuhay ng kanyang tatlong anak na babae na sina Oliva Balatbat Enriquez, Felicisima Balatbat Bacon, M.D. at Laura Balatbat Corpuz. Ang kanyang kabiyak ng puso na si Igmedio Libao Balatbat ay pumanaw nuong ika 7 ng Mayo, 1944.

Ang Buhay ng Palay
Ni: L.F. Basilio 


~
Munting butil na tumbagang isinabog sa bukirin
Nang tumubo'y tila damong anong inam pagmalasin
Mga daho'y makikitid na sa uhay tila man din
Kumakaway sa amihang kung umihip ay kay lambing!
~
Sa patak ng mga hamog ng malamig ng umaga
Sa sinag ng haring araw na may taglay ng pag-asa
Sa halik ng hanging-bukid na lagi nang nagsasaya
Ang buki ay naging kumot na luntiang anong ganda!
~
Ang malamig na Nobyembre nang dating ng panahon
Palay natin ay namunga sa tulong ng mga ambon
Nang ang araw ng Disyembre'y sumikat na mahinahon
Kabukirang dating lunti'y naging kulay ginto noon.
~
Ang uhay nn mapipintog ng palay na tila ginto
Nang humapay sa pilapil at sa linang ay yumuko
Magsasaka'y nagsilabas na ya galak bawat puso
At ginapas ang biyayang sa bukid ay tumutubo.
~
Sa saliw ng mga biro at tawanang masisigla
Ginapas ang ating palay, inani rin ang pag-asa
Ang pag-asang kulay ginto ng bukas na maligaya
Ng bukas na mariwasa ng bayan kong sinisinta. 


laurabc@fsmail.bradley.edu
jollybc2@gmail.com

Tuesday, August 28, 2012

ARAW NG KALAYAAN - Tula ni Laura B. Corpuz

Ating gunitain ang pakikibaka ng mga bayani
Rurok ng tagumpay ang palagi nilang mithi
Angking kayamanan ang umakit sa dayuhan
Walong lalawiga'y namuno, lumaban sa digmaan
                             ~
Nuong sakupin ng Kastila bayan nating Pilipinas
Ganda, bango at puso ng mga tao ay nawasak nawasak
                              ~
 Katipunan ng Pilipinas dugo'y nabuhos sa labanan -
Adhikaing lumigaya sa tuwina ay asam-asam -
Layang malaong hinangad dumating at karampatan -
Araw ay ika-12 ng Hunyo, 1898 nagsaya ang bayan -
Yaring bansa nating mahal ay naging Republika -
Awit ng Pilipinas at watawat ay nawagayway na -
A nong ligaya ng pagdiriwang sa layang nakamtan -
 Na pahayag ni Emilio Aguinaldo ang ating kasarinlan
                                ~
 Mabuhay ang Pilipinas! Ika-8 ng Enero, 2011

ANG BUHAY NGA NAMAN

                                   (Tula ni Vicente D. Santos) 
 

                                 Kung pakaisipin itong ating buhay
                                     Ako'y nalilito at nahihirapan
                                 Hindi ko mawari, hindi ko masakyan
                               Angking kahulugan at hiwagang taglay.
                                                         ~
                              Bakit may masaya?  Bakit may malungkot?
                                      Sa mga hilahil ay nabubusabos
                                Bakit may mayaman at may kinakapos
                                  Sa hirap at dusa ay nangalulugmok?
                                                        ~
                                 Bakit sa pag-ibig ay mayruong sawi?
                                "Oo" ng dalaga ay magkamit dili
                            At mayruon namang sa labi'y may ngiti
                                 At ang sinisinta'y kapiling palagi.
                                                       ~
                             Bakit mayruong payat?  Bakit may mataba?
                               Gayong ang pagkain ay magkakamukha
                                   Bakit may maliit sa balat ng lupa
                               At mayruong mataas na tinitingala?
                                                      ~
                             Bakit mayruong tamad; bakit may masipag?
                                 Sa mga gawain ay nagkukumagkag
                                At si Tamad nama'y ni ayaw tuminag
                            Gayong ang trabaho'y sa harap ay tambak?
                                                     ~
                                May taong makaros na dila'y matabil
                                Likot ng katawan ay kapansin-pansin
                                At mayruon namang taong mahiyain
                                Ayaw magsalita't saksakan ng hinhin.
                                                     ~
                              Mayruong  sa utos sadyang masunurin
                               Walang lingon likod atas ay tutupdin
                            At mayruon namang mukha'y makulimlim
                            Sumusunod lamang may dabog may iling.
                                                    ~
                                  At sa kulay naman tayo ay dumako
                                Maitim, maputi, mayruon diyan tayo
                                Kutis na magaspang katapat ay pino
                                Ginagamit naman ay pare-pareho.
                                                     ~
                           Kay masasabing "Ang Buhay nga Naman"
                               Patas na nilikha ay bakit ganiyan?
                            Ang ibig marahil ng Diyos na hirang
                          Tayo'y magbigayan sa ating pagkukulang.

                


Thursday, January 26, 2012

SAN ISIDRO BALATBAT CLAN

SAN ISIDRO BALATBAT CLAN
May 12, 2011

Saturday, March 12, 2011, on a very calm and serene evening
A group of cousins and their families came to see Ric and me
Nice, cute, active little children became life of the gathering

In their innocent looks they appeared excited and quite anxious
Sweet smiles on their faces brought happiness to everybody
Interesting stories cousins told us and some are parts of history
Discovered many special talents in singing and reciting of poems
Responses to call were wonderful, even the nipa hut was full
Offspring of Hipolito and Maxima Balatbat grew more sprouts

Beautiful voices of Alex, Genesis, Jan, and Lara are full of spirit
Aspiring and budding declaimer is five-year-old Denise Faith
Lasting memory of cousins’ visit, two of them came a few days late
Awards of great accomplishments decorated many of their homes
Thoughtfulness and kindness of 55 filled cozy house in San Miguel
But the small amount of snacks did not hinder the success of visit
Amazed they were and truly grateful with the small remembrance
Totally astonished when I said, “Don’t open until Christmas.”

Charming and truly charismatic are the young nieces and nephews
Lovely posed for every family as well as for group pictures to share
Awesome, supercalifragilisticexpialidocius vacation we’ve ever taken
No time was wasted in the 3-hour laughter with my cousins, so dear

(The Balatbat Clan: Itang, Feling, Severino, Desto, Doreng, Esther, Edios, Leoncia,
Virginia, Alex, Elizabeth, Teresita, Manilo, Fely, Dalo, Desto, Elena, Joven,
Mino, Cesar, Dante, ((deceased)), Zenaida, Elmar, Mat, Neneth, Rene, and Israel. This is an answer to my quest about the Balatbat ancestry.)

Laura B. Corpuz
Jollybc2@gmail.com
March 12, 2011

Thursday, April 14, 2011

JOSE PROTACIO RIZAL

Jesuit priests educated Jose P. Rizal at the Ateneo Municipal de Manila
Outstanding records, high honors, and awards of accomplishments he received
Scientist, artist, doctor, poet, philosopher, teacher, lawyer, surveyor, and more
El Filibusterismo and Noli Me Tangere are the most famous of his written works

Pride of the Malayan Race and believed that “pen is mightier than the sword”
Reading and writing were taught by his mother at home in Calamba, Laguna
Only child of Francisco Mercado and Teodora Alonzo that carried the name Rizal
Twenty-two languages he studied, learned, mastered, and had spoken proficiently
Anti-Spanish regime he supported and founded the civic organization “La Liga Filipina”
Children and youth’s love for language depicted in his poem “Sa Aking Mga Kababata”
Imprisoned in Fort Santiago due to anti-friar pamphlets he had written were found
Orders of the Knights of Rizal (KOR) were organized in honor of our patriotic man

Rizal Day commemorates his death on December 30, 1896 at Bagumbayan now Luneta
Intelligence he tactfully used to uplift the Filipinos’ status during the Spanish times
Zenith of his political life was to see fairness and freedom of his beloved countrymen
Apogonia rizali, draconi rizali and rhacophorus rizali insects were named after Rizal
Laong-laan and Dimas-alang are pennames he used in defense of the Philippines

Submitted by: Laura B. Corpuz
President (FASCI) Filipino-American Society of Central Illinois
April 7, 2011

ORDER OF THE KNIGHTS OF RIZAL
Magiting Chapter
P.O. Box 9633 Peoria, IL 61612
KABABAIHANG RIZALISTA OF PEORIA

Friday, April 8, 2011

ARAW NG KALAYAAN Katha ni Laura B. Corpuz

***
Ating gunitain ang pakikibaka ng mga bayani
Rurok ng tagumpay ang palagi nilang mithi
Angking kayamanan ang umakit sa dayuhan
Walong lalawiga’y namuno, lumaban sa digmaan

Nuong sakupin ng Kastila bayan nating Pilipinas
Ganda, bango at puso ng mga tao ay nawasak

Katipunan ng Pilipinas dugo’y nabuhos sa labanan
Adhikaing lumigaya sa tuwina ay asam-asam
Layang malaong hinangad dumating at karampatan
Araw ay ika-12 ng Hunyo, 1898 nagsaya ang bayan
Yaring bansa nating mahal ay naging Republika
Awit ng Pilipinas at watawat ay nawagayway na
Anong ligaya ng pagdiriwang sa layang nakamtan!
Na pahayag ni Emilio Aguinaldo ating kasarinlan

Mabuhay ang Pilipinas!!!

Sinulat ni: Laura B. Corpuz
Ika-8 ng Enero, 2011

Wednesday, April 6, 2011

"TINIG NG KINABUKASAN"

Sinulat ni: Ma. Oliva B. Medina (L.L.N.)

Sa sinapupunan pa lang, akin nang nadarama,
Nanganganib na mundo'y masilayan pa kaya?
Kung sa bawat paghinga nang ina kong sinisinta,
Ay maitim na usok, nilalanghap niya.
~
Ang pagkaing ipinapasok sa katawan kong mura,
May mga kemikal na nakakasira
Di ba"t lubhang mahalaga, pag-ingatan mo ina
Upang sa pagsilang akin nang makita
Isang mundong payapa at kaaya-aya.
~
Nais kong malanghap ay hanging sariwa
Umakyat sa punong sadyang namumunga
Maglangoy sa ilog na maraming isda
Hindi ang nabubulok at mabahong basura.
~
Tinig ko'y dinggin mo
Magmalasakit naman kayo
Pagkat dito'y nakalaan tagumpay ng bukas ko,
Batang matalino, malusog at bibo
Kung yan ang nais n'yo, mundo ko'y ingatan mo.

*************
Tinula ni: Denise Faith Salamat Fernandez
Kinatawan sa Pambayang Kongreso ng mga Bata sa
Larangan ng Pagtula nuong ika 23 ng Oktubre, 2010
sa Mababang Paaralan ng Sta. Monica. Hagonoy, Bulacan

Age : 5 years old
Address: San Isidro, Hagonoy, Bulacan
School: San Miguel Day Care Center
San Miguel, Hagonoy, Bulacan
Theme: " KUNG BRIGHT CHILD ANG GUSTO, MUNDO'Y INGATAN MO"
Award: - FIRST PLACE
Pambayang Kongreso Ng Mga Bata

Binabati at ikinararangal ng pamilya ni Hilarion Balatbat sa San Isidro, Hagonoy, Bulacan ang gantimpalang nakamtan ni Denise. Sana'y ipagpatuloy pa niya ang pagtanggap ng karangalan sa hinaharap na panahon. Pagbati buhat sa pamilya nina Jose at Faustina (Balatbat) Salamat.