Tuesday, December 29, 2020

Maligayang Pasko

 

MALIGAYANG PASKO!

 

Magpuri tayo sa kay Jesus, Santa Maria at San Jose

Ang sanggol na sinilang, mahimbing sa kandungan

Lahat ay nag-aawitan, nagpupugay at nagsasayawan

Ihanda ang loob at puso at kaluluwa, kasayahan

Galing kina Lolo’t Lola, Ninong at Ninang maraming regalo

Aginaldo sa Ama’t Ina, kamag-anak, buhat sa puso

Yang alay sa Tatlong Hari sa Jesus, ginto, kamanyang at mira

Ang sarap ng bibingka, kalamay, suman at tsokolate

Nag- Simbang Gabi, papuri sa Mesiah sa Kataastaasan

Ganda ng Belen na napaligiran ng mga tupa sa kural

 

Parol, magagandang ilaw at palamuti ng mga bahay

Ang patnubay ng tala patungo sa Bethlehem

Sabsaban ng Berbo, kandungan ng Birhen Maria

Kampana ng mga simbahan, bayan nagbubunyi

O  magsaya tayo sa Hari ng Lahat, Emmanuel! Emmanuel!

 

Laura Balatbat Corpuz

12-20-2020

No comments: