Ang makapangyarihang dasal na ito para sa mga kaluluwa ay kinagisnan na ng mga taga-Baryo San Miguel, Hagonoy, Bulacan. Ang kopya ng dasal na ito ay nakasulat lamang sa lumang papel na naninilaw at nanlalabo na ang mga titik. Ito ay binuo, ninais, at minarapat na MULING ipalimbag upang manariwa sa mga kabataan at maipagpatuloy ang pagdarasal nila para sa mga kaluluwa. Malimit na dinarasal ito sa San Miguel kapag may namatay, naglalamay, araw ng kamamatayan, at kung Undas (Araw ng mga Patay). Maraming salamat kina Consuelo Balatbat, Betty Bodonia, Arsenia C. Cabazal, at Laura (Balatbat) Corpuz) sa pagkakabuo ng dasal na ito.
Ika-25 ng Abril, 2001+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo, at Tao namang totoo, gumawa at sumakop sa atin, pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Sapagka’t ikaw nga po ang Diyos ko, Panginoon ko, at Ama ko, na iniibig ko nang lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na matibay sa loob ko, na hindi na muling magkakasala sa Iyo. Lalayuan ko at pangingilagan ang bawa’t makababakla sa loob ko sa masama at makalilibat ng dating sakit ng kaluluwa ko. Nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko at umaasa kong patatawarin mo rin alang-alang sa mahal na pagpapakasakit mo sa krus dahilan sa akin. Siya Nawa.
Ikaw po naman Mahal na Birhen, Panginoon naming Santa Maria, ay ipanalangin mo kami at ipag-amo sa anak mong mahal yayamang dati kang mapag-ampon sa aming taong makasalanan. Siya Nawa.
Buksan mo Panginoon naming Diyos ang mga labi’t dila namin; papag-ningasin mo ang aming puso; pawiin mo ang marumi at naka-gugulong panimdim. Liwanagin mo ang aming bait na gunam-gunaming taimtim sa loob ang pinag-daanan mong hirap at pagkamatay sa krus kalangkap ang kapait-paitang sakit na dinamdam ng giliw mong Inang kasantu-santuhan at kami’y marapat dinggin ng ‘di matingkala mong kamahalang nabubuhay at naghahairng walang katapusan. Siya Nawa.
Maawaing Hesus ko, lingapin ng mahabagin mong mata ang mga kaluluwa ng nangamatay sa binyagan, na ipinaghirap mo’t ikinamatay sa krus. Siya Nawa.
Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugong ipinawis mo sa halamanan nang manalangin ka sa Amang Diyos,
* Sagot: Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni (Pangalan) _______________ .
Hesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng mukha mong kagalang-galang, *
Hesus ko, alang-alang sa limang libong hampas na tiniis mo, *
Hesus ko, alang-alang sa tinik na ipinutong sa Iyo na naglagos sa ulo mong kasantu-santuhan, *
Hesus ko, alang-alang sa paglakad mo sa lansangang kapait-paitan na pinapasan mo ang mahal na Santa Krus, *
Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan mong mukhang napuno ng dugong nalimbag sa Birang ni Veronica, *
Hesus ko, alang-alang sa Tunika mong natigmak sa dugo na dinali-daling hinubad sa iyo ng mga tampalasan, *
Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan mong katawan na ipinako sa Krus, *
Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan mong paa’t kamay na pinakuan ng matitigas na pako, *
Hesus ko, alang-alang sa tagiliran mong mahal na pinaglagusan ng sibat na binukalan ng dugo at tubig, *
N: Requiem aeternam dona eis domini
S: Et lux perpetua luceat eis
N: Requiescant in pace
S: Amen
Katamis-tamisan kong Hesus, na sa pagtubos mo sa sangkatauhan ay inibig mong ikaw ay ipanganak. Nang may ika-walong araw ay nabuhos ang unang patak ng mahal mong dugo sa pagsunod sa utos ni Moises. Inari kang hamak ng mga hudyo; ipinagkanulo ka ni Hudas sa mga lilo. Isang halik sa mukha ang palatandaan. Iginapos at dinala sa kamamatayan na parang isang maamong Kordero. Ipinaghatid-hatiran ka sa apat na hukuman; kay Anas, kay Kaypas, kay Pilato at kay Herodes. Pinaratangan ka’t pinatotohanan ng mga bulaang saksi. Tinampal, pinagmurahanan, hinampas nang walang bilang, pinutungan ka ng tinik, at pinalo ng kawayan. Inaglahi kang tinakpan ng isang panyong pula. Hinalay kang hinubdan sa harap ng sambayanan. Ipinako ka at saka biglang ibinangon ang Krus na pinagpakuan sa Iyo. Ipinaris ka at ipinagitna sa dalawang magnanakaw. Pinainom ka ng suka at apdong mapait. Inulos ng sibat ang tagiliran mong mahal na binukalan ng dugo at tubig. Hanguin mo na po Panginoon naming Diyos ang kaluluwa ni (Pangalan)_______________ sa kinarorounang hirap pakundangan sa kapait-paitang sakit na dinalita mo’t pagsinta sa amin. At kami nama’y hanguin mo sa dusang walang hanggan sa impiyierno, alang-alang at pakundangan sa karapatan ng iyong Mahal na Pasyon at pagkamatay sa Krus nang marapat kaming mapasok sa maluwalhating bayan na pinaglagyan mo sa mapalad na magnanakaw na ipinakong isinama sa iyo, Poong Diyos, na nabubuhay at naghaharing kaisa ng Espiritu Santo magpasawalang katapusan. Siya Nawa.
Litanya:
N: Panginoong Mahal,
S: Tulungan mo siya.
N: Hesukristong Anak ng Diyos,
S: Magdalang-habag ka sa kanya .
N: Panginoong walang hanggan,
S: Maawa ka sa kanya.
N: Kristo,
S: Pakinggan mo kami.
N: Kristo,
S: Paka-pakinggan mo kami.
N: Diyos Ama sa langit,
S: Maawa ka sa kanya. *
N: Diyos na tumobos sa sangkatauhan, *
Diyos Espiritu Santo, *
Santisima Trinidad na Tatlong Persona at Iisang Diyos, *
N: Santa Maria,
S: Ipanalangin mo siya,*
N: Santang Ina ng Diyos, *
Santang Birhen ng mga Birhenes, *
Ina ni Kristo, *
Ina ng Grasya ng Diyos, *
Inang kasakdal-sakdalan, *
Inang walang malay sa kahalayan, *
Inang ‘di malapitan ng masama, *
Inang kalinis-linisan, *
Inang kaibig-ibig, *
Inang kataka-taka, *
Ina ng mabuting kahatulan, *
Ina ng may gawa sa lahat, *
Inang mapag-adya, *
Birheng kapaham-pahaman, *
Birheng dapat igalang, *
Birheng dapat ipagbantog, *
Birheng makapangyayari, *
Birheng maawain, *
Birheng matibay na loob sa magaling, *
Salamin ng katuwiran, *
Luklukan ng karunungan, *
Mula ng tuwa namin, *
Sisidlan ng kabanalan, *
Sisidlan ng bunyi at bantog, *
Sisidlan mg bukod-tanging kataimtiman, *
Rosang bulaklak na ‘di mapuspos ng bait ng tao ang halaga, *
Torre in David, *
Torre na garing, *
Bahay na ginto, *
Kaban ng tipan, *
Pinto sa langit, *
Talang maliwanag, *
Mapag-pagaling sa mga maysakit, *
Sakdalan ng mga taong makasalanan, *
Mapang-aliw sa mga nangag-dadalamhati, *
Mapag-ampon sa mga kristiyano, *
Hari ng mga anghel, *
Hari ng mga patriyarka, *
Hari ng mga propeta, *
Hari ng mga apostol, *
Hari ng mga martir, *
Hari ng mga kompesor, *
Hari ng mga Birhenes, *
Hari ng lahat ng mga santo, *
Haring ipinaglihi na ‘di nagmana ng salang orihinal, *
Haring ini-akyat sa langit, *
Hari ng kasantu-santuhang Rosaryo, *
Hari ng kapayapaan, *
N: Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,
S: Patawarin mo po siya, Panginoon namin.
N: Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,
S: Paka-pakinggan mo po siya, Panginoon namin.
N: Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,
S: Kaawaan mo po siya, Panginoon namin.
Sa ilalim ng iyong pagtatangkilik nagkakanlong kami Santang Ina ng Diyos. Sa tuwi-tuwinang kami’y dumadalangin, magdalita ka po at iyong dinggin lalo na at kung kami ay napapa-nganyaya, ipag-adya o maluwalhati’t mapalad na Birheng walang pagmamaliw.
N: Ipanalangin mo kami Santang Ina ng Diyos,
S: Nang kami’y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Kesukristong Panginoon namin.
N: Panginoon naming Diyos, kalingain mo’t dinggin ang aming dalangin,
S: Makarating nawa sa iyong tainga ang aming pagdaing.
Aming ipagtatagubilin sa iyo, Panginoon naming Diyos ang kaluluwa ng iyong alipin na si (Pangalan)_______________. Sapagka’t siya ay namatay na dito sa ibabaw ng lupa ay ipatawad na ang awa mong walang hanggan sa mga nagawa niyang kasalanan at marapat nawang mabuhay sa iyo maparating man saan man. Siya Nawa.
Aba! Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhayan at katamisan. Aba! Pinanaligan ka namin, ikaw nga po ang tinatawag naming, pinapanaw naming taong anak in Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupa, bayang kahapis-hapis. Ay Aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain at saka kung matapos yaring pagpanaw mo sa amin ay ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain at matamis na Birhen.
N: Ipanalangin mo (kami/siya) o Santang Ina ng Diyos,
S: Nang (kami/siya) ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon namin.
N: (3) Ama Namin
(3) Aba! Ginoong Maria
(3) Requiem aeternam dona eis Domino
S: Et lux perpetua luceat eis
N: Requiscant en pace
S: Amen.
O Diyos Amang naghabilin sa amin, sa mga bakas ng paghihirap mo at sa mapalad na sabanas na ibinalot sa kabanal-banalan mong katawan nang maibaba ka ni Hosep sa Krus, ipagkaloob mo sa amin, maawaing Panginoon, alang-alang sa pagkamatay mo at sa pinagbaunan sa iyo na ang kaluluwa ni (Pangalan)________________ ay dalhin mo sa tinatahanan at pinaghaharian ng Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo, Diyos magparating man sa walang hanggan. Siya Nawa.
(3 Ulit) Santong Diyos, Santong Makapangyarihan, Diyos na walang kamatayan.
Alavado Sagrado Corazon de Jesus, Alavado Sagrado Corazon de Maria, Alavado Sagrado Corazon de Jose, Alavado Sagrado Corazon de Joaquin, Alavado Sagrado Corazon de Ana Vendito, Alavado Cia, Santisimo Sacrameto del altar, del Olimpia, Imaculada Concepcion del Virgen Maria, Madre de Dios, Senora Nuestra concevida, coemansa, certificado original, impremer estandarte deciser natural por siempre mas. Amen Jesus.
N: Ave Maria Purisima (3 ulit)
S: Sin pecado consevida (3 ulit)
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.