Thursday, November 29, 2018
PASKO TULA
PASKO
Sa bandang silangan ay may natanawan
Talang maliwanag sa atin ay patnubay
Ang lahat ng landas na ating daraanan
Liwanag ng tala ang ating susundan.
Ito ay nakaturo sa munting sabsaban
Ng Sanggol na tutubos sa sanlibutan
Ang Birhen Maria kay Hesus ang nagsilang
Sa tabi ni Josep na Amang mapagmahal.
Pasko ang tawag sa dakilang araw na ito
Maligayang maligaya ang lahat ng tao
May handa si Ninang, si Lola at si Lolo
Hinihintay tayo upamg magsalu-salo.
Laura B. Corpuz - Ika 13 ng Nobyembre 2009
jollybc2@gmail.com
Binigkas ito sa Topeka, Kansas nuong Pasko 2009
Wednesday, November 28, 2018
PASKO NA NAMAN!
P-asko ay araw na pinakahihintay-hintay
A-ng lahat ng tao ay nagmamahalan
S-apagka't si Jesus sa ngayon ay isinilang
K-agalakang lubos ang dulot niya sa bayan
O talang maningning sa tatlong hari'y sumubaybay
N-ang makita nila ang hamak na sabsaban
A-nak na sanggol kalong ng Birheng Mahal
N-apaligiran sila ng mga hayop sa parang
A-ng lahat ng pastol at mga tupa ay nagpugay
M-ahimbing ang sanggol sa Inang kandungan
A-wit ng mga anghel ay masayang pakinggan
N-agdiriwang ang madla dahil "Pasko na Naman."
Laura B. Corpuz - Ika-13 ng Nobyembre, 2009
jollybc2@gmail.com
(Binigkas ito sa Topeka, Kansas - Pasko 2009)
Tuesday, November 27, 2018
PASKO - Dula-dulaan
Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales
Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)
(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)
Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”
Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”
Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.”
Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”
Anak 4: “Ako rin po.”
Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.”
Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”
(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)
Tilon
Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)
(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)
Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.”
Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.”
(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)
Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”
Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.”
Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”
Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?”
Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”
Anak 2: “Dalawa po.”
Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.”
Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”
Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.”
Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)
Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.”
Tilon
Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)
Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.”
Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.”
(Nanay at Tatay – magmamano rin)
Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)
Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”
Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”
Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”
Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”
Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena.”
Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”
Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.”
(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)
Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.”
Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagong Taon sa lahat.”
Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.”
Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.”
Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.”
Tilon
Mga Tauhan:
Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales
Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada
Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati
Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon
Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza
Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon
Musika: Renato Blancaflor at Daisy Franada
Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero
Itinanghal sa Hotel Pere Marquette, Peoria, Illinois 61602, Disyembre 15, 1987.

Tuesday, November 13, 2018
MARY GRACE O. BACON
MARY GRACE O. BACON
M erciful, caring, and truly understanding woman physician she is
A lways thinking of how she can make patients feel good even when in pain
R ejoices each time Isabel and Nathaniel bring home great school works
Y oung and old, girls and boys, students and workers admire her simplicity
G ood words of wisdom she taught to her adorable growing children
R espects she earned from colleagues, friends, relatives and comrades
A ffectionate, approachable, amiable, and friendly to her acquaintances
C onservative and cautious in meeting life's numerous challenges
E xtra care she gives to many patients she treats for their illnesses
O verwhelmed and grateful for the strong and tight-knit family ties
B eautiful smiles meet you at the door when relatives come to visit
A ppeals for good cause she responds with all her heart and soul
C ounts and thanks the good Lord above for all the blessings received
O utstanding character and conduct are what her children see in her
N ever did she miss any Sunday, Holy Days and church obligations
Laura B, Corpuz * January 29, 2014 - jollybc2@gmail.com
Subscribe to:
Posts (Atom)