***
PASKO NA NAMAN!
Pasko ay araw na pinakahihintay-hintay
Ang lahat ng tao ay nagmamahalan
Sapagka’t si Jesus sa ngayon ay isinilang
Kagalakang lubos ang dulot niya sa bayan
O talang maningning sa tatlong hari’y sumubaybay
Nang makita nila ang hamak na sabsaban
Anak na sanggol kalong ng Birheng mahal
Napaligiran sila ng mga hayop sa parang
Ang lahat ng pastol at mga tupa ay nagpugay
Mahimbing ang sanggol sa Inang kandungan
Awit ng mga angel ay masayang pakinggan
Nagdiriwang ang madla dahil “Pasko na Naman!”
Katha ni Laura B. Corpuz
Ika-13 ng Nobyembre, 2009
Jollybc2@gmail.com / laurabc@fsmail.bradley.edu
PASKO
***
Sa bandang silangan ay may natanawan
Talang maliwag sa atin ay patnubay
Ang lahat ng landas na ating daraanan
Liwanag ng tala ang ating susundan.
***
Ito ay nakaturo sa munting sabsaban
Ng sanggol na tutubos sa sanlibutan
Ang Birhen Maria kay Hesus ang nagsilang
Sa tabi ni Josep na amang mapagmahal.
***
Pasko ang tawag sa dakilang araw na ito
Maligayang maligaya ang lahat ng tao
May handa si Ninang, si Lola, at si Lolo
Hinihintay tayo upang mag-salu-salo.
***
Katha ni Laura B. Corpuz
Ika-13 ng Nobyembre, 2009
No comments:
Post a Comment