Ating gunitain ang pakikibaka ng mga bayani
Rurok ng tagumpay ang palagi nilang mithi
Angking kayamanan ang umakit sa dayuhan
Walong lalawiga'y namuno, lumaban sa digmaan
~
Nuong sakupin ng Kastila bayan nating Pilipinas
Ganda, bango at puso ng mga tao ay nawasak nawasak
~
Katipunan ng Pilipinas dugo'y nabuhos sa labanan -
Adhikaing lumigaya sa tuwina ay asam-asam -
Layang malaong hinangad dumating at karampatan -
Araw ay ika-12 ng Hunyo, 1898 nagsaya ang bayan -
Yaring bansa nating mahal ay naging Republika -
Awit ng Pilipinas at watawat ay nawagayway na -
A nong ligaya ng pagdiriwang sa layang nakamtan -
Na pahayag ni Emilio Aguinaldo ang ating kasarinlan
~
Mabuhay ang Pilipinas! Ika-8 ng Enero, 2011
Tuesday, August 28, 2012
ANG BUHAY NGA NAMAN
(Tula ni Vicente D. Santos)
Kung pakaisipin itong ating buhay
Ako'y nalilito at nahihirapan
Hindi ko mawari, hindi ko masakyan
Angking kahulugan at hiwagang taglay.
~
Bakit may masaya? Bakit may malungkot?
Sa mga hilahil ay nabubusabos
Bakit may mayaman at may kinakapos
Sa hirap at dusa ay nangalulugmok?
~
Bakit sa pag-ibig ay mayruong sawi?
"Oo" ng dalaga ay magkamit dili
At mayruon namang sa labi'y may ngiti
At ang sinisinta'y kapiling palagi.
~
Bakit mayruong payat? Bakit may mataba?
Gayong ang pagkain ay magkakamukha
Bakit may maliit sa balat ng lupa
At mayruong mataas na tinitingala?
~
Bakit mayruong tamad; bakit may masipag?
Sa mga gawain ay nagkukumagkag
At si Tamad nama'y ni ayaw tuminag
Gayong ang trabaho'y sa harap ay tambak?
~
May taong makaros na dila'y matabil
Likot ng katawan ay kapansin-pansin
At mayruon namang taong mahiyain
Ayaw magsalita't saksakan ng hinhin.
~
Mayruong sa utos sadyang masunurin
Walang lingon likod atas ay tutupdin
At mayruon namang mukha'y makulimlim
Sumusunod lamang may dabog may iling.
~
At sa kulay naman tayo ay dumako
Maitim, maputi, mayruon diyan tayo
Kutis na magaspang katapat ay pino
Ginagamit naman ay pare-pareho.
~
Kay masasabing "Ang Buhay nga Naman"
Patas na nilikha ay bakit ganiyan?
Ang ibig marahil ng Diyos na hirang
Tayo'y magbigayan sa ating pagkukulang.
Kung pakaisipin itong ating buhay
Ako'y nalilito at nahihirapan
Hindi ko mawari, hindi ko masakyan
Angking kahulugan at hiwagang taglay.
~
Bakit may masaya? Bakit may malungkot?
Sa mga hilahil ay nabubusabos
Bakit may mayaman at may kinakapos
Sa hirap at dusa ay nangalulugmok?
~
Bakit sa pag-ibig ay mayruong sawi?
"Oo" ng dalaga ay magkamit dili
At mayruon namang sa labi'y may ngiti
At ang sinisinta'y kapiling palagi.
~
Bakit mayruong payat? Bakit may mataba?
Gayong ang pagkain ay magkakamukha
Bakit may maliit sa balat ng lupa
At mayruong mataas na tinitingala?
~
Bakit mayruong tamad; bakit may masipag?
Sa mga gawain ay nagkukumagkag
At si Tamad nama'y ni ayaw tuminag
Gayong ang trabaho'y sa harap ay tambak?
~
May taong makaros na dila'y matabil
Likot ng katawan ay kapansin-pansin
At mayruon namang taong mahiyain
Ayaw magsalita't saksakan ng hinhin.
~
Mayruong sa utos sadyang masunurin
Walang lingon likod atas ay tutupdin
At mayruon namang mukha'y makulimlim
Sumusunod lamang may dabog may iling.
~
At sa kulay naman tayo ay dumako
Maitim, maputi, mayruon diyan tayo
Kutis na magaspang katapat ay pino
Ginagamit naman ay pare-pareho.
~
Kay masasabing "Ang Buhay nga Naman"
Patas na nilikha ay bakit ganiyan?
Ang ibig marahil ng Diyos na hirang
Tayo'y magbigayan sa ating pagkukulang.
Subscribe to:
Posts (Atom)