Tuesday, May 5, 2015

PAMILYA BALATBAT

                PAMILYA BALATBAT

          Ni: Doktora Ervin Paz Bacon Dela Rosa

Bawa’t pantig ng puso ko’y “BALATBAT” ang binabanggit
Isang lahing matulain, mapangarap, mapang-akit
Salamat kay Hesukristo at Birhen Mariang marikit
Sa patuloy naming ugnayan at biyayang walang patid.

Umaraw man o umulan, may lusak din sa lansangan
Maligaya ang samahan sa araw na pinag-usapan
May bigayan ng bulaklak, “Flores de Mayo” ang katumbas
Palitan ng karanasan, buong angkan ay nagagalak.

Hipolito at Maxima, magsing-irog na pinagmulan
Ng angkan nina Igmedio at Faustina na iginagalang
Esperanza, Simplicio, Pacensia, Leornardo at Constancia
Uliran sa paglilingkod sa lumikhang Diyos Ama.
                                      
          "Our Lord’s Forever Eminem Love Abounds"

                                
                       Ika-5 ng Mayo, 2015

No comments: