(Lucila Garcia Perona)
Amarillo,
rosal, santan, at mabangong sampagita ay
mga tanim sa bakuran.
Bunga
ng kahoy ng bulak ay ginagawa niyang palaman sa aming mga unan.
Kasama sa tindahan ng Daka at Nana Bita sa harap ng aming bahay.
Dasal gabi’t araw lalo na kung may namatayan at malapit na ang“Undas.”
Emperdible, aguhilya, klip, aspile, gunting, karayom, sinulid, suyod at suklay
Gabe, saging at kamote ay inilalaga kakainin namin matapos ang tanghalian.
Handang pagkain ang dala sa bukid para sa gumagapas at sa Tata Isto at Tata Cinto.
Impong Huli ang nagsisindi ng ilaw nuong siya ay buhay pa, at hinalinhan ng Nanang.
Laging nagpupunta ang mag-anak sa Sukol lalu na kapag pista sa San Sebastian.
Magluluto ng manok, baboy, bangos at tilapia buhat sa aming palaisdaan.
Nilagang mani ang tinda niya kung may pista sa aming nayon ng San Miguel
Ngayong wala na si Nanang ay nalungkot na nang husto ang buong angkan ng Garcia.
O kay saklap naman namin nina Calixto at Gaudelia ng si Nanang ay pumanaw.
Panganay na anak si Virgilio, ngunit binawian ng buhay ng siya ay isilang.
Rosas na mabango ay pinaugatan sa sanga, nilagyan ng lupa, binalot at inalagaan .
Saging na tundalang malapad ang dahon ang pampadulas ng sahig na kawayan.
Tumahi’t nagburda ng damit pambata at nagsiklat ng kawayan upang gawaing atip ng bahay.
Ukoy na kalabasang may hipon ay tunay na masarap lalo na at may paminta, suka at bawang.
Walang tigil ang gawa sa bahay hanggang matapos ang panggugupit ng buhok ng Tata Siano.
Yaring “Pasyong Mahal ni Hesukristong Panginoon” ang mahalagang namana ko sa Nanang.
Sumalangit nawa
ang kaniyang kaluluwa.
Laura Balatbat-Corpuz, Pamangkin
Ika-30
ng Oktubre, 2012 * jollybc2@gmail.comlaurabc@fsmail.bradley.edu
No comments:
Post a Comment