Tuesday, January 15, 2019

DOLORES REYES FELIPE


DOLORES REYES FELIPE                                                          
                          Ika-11 ng Enero, 2019

Dalangin niya sa Diyos na maging maunlad ang kanilang buhay
Opo at Po” ang itinuturo sa kanyang lumalaking mga apo
Lahat ng supling ng mga anak ay minamahal niyang totoo
O mapasa-ibang bansa man O kaya ay sa Hagonoy lamang
Relihiyosa at madasalin ang mabait at masipag nilang Lola
Eroplano ang sinakyan ng iba upang pumunta sa ibang bansa
Sumisimba tuwing Linggo, Pasko at Araw ng mga Patay

Regalong mahalaga ang tinatanggap ng mapagmahal na Lola
Estasyon ng Krus ni Hesukristo ang pinag-ukolan ng panahon
Yakap-yakap ang lahat ng apo tuwing gabi at nagmamano
Eskwela ay malapit at iba’y pumapasok sa bayan ng Hagonoy
Sa Mababang Paaralan ng Teodora Cruz duon sila nagtapos

Felipe ang apelyido ni Teodorico at Isip naman kay Marcosa
Edad nina Dolores at Ernesto ay tamang taon sa pag-aasawa
Laging kasama si Laura Balatbat Corpuz tuwing naglalaba
Isang araw ng Mayo matapos ang pista, sa San Isidro naglaba
Pinahiga ang hinimatay na si Laura at tiningnan ng manggagamot
Ester, Soledad, Ben, Claudia, Flaviana, Victoria, at Nick ay nagsaya

     Teodorico Cruz Felipe at Marcosa Isip Felipe ang mapapalad                                                na Lolo at Lola nina Mario, Ernesto JR.  Apolonio, Myla, Victoria                                            at Rosalinda. Salamat Natan Flores.

No comments: