MGA BAKAS NG LUMIPAS NI DOKTORA FELICISIMA B. BACON
A-ko ay minamahal mong lagi simula pa lamang ng aking pagkabata
B- aon natin sa paaralan ay inihahamda ng mapagmahal nating INA
K-aarawan mo ngayon at maligayang maligaya ang buong pamilya
D-amit mong makulay ang nagpapaganda sa masaya mong kaanyuan
E-hemplong ginto ng Inang Sofia ang sinusunod para sa kabutihan
G-amit mo sa paaralan ay laging nakahanda para sa araw ng bukas
H-imatayin ka man ay nagbigay pa rin ng lakas sa iyong katawan
I-nakyat ang puno ng duhat, nahulog, nagasgas ang iyong mga kamay
L-angit na mataas ang tinitingnan, nananalangin sa Poong Maykapal
M-ahal ng marami kahapon, ngayon at hanggang sa sila ay tumanda
N-ag-aral tayo sa St. Anne’s College RVM Sisters sa Hagonoy, Bulacan
Ng-ayon ay mabuti ang kinaratnan, kabuhayan maunlad, maawain
O-rasan nating binantayan sikat ng araw habang sa bukid naglilinang
P-osong hinukay sa tabi ng kamalig para sa tatlong kalabaw ay malalim
R-osaryo ay lagimg dinarasal, mahalaga kung katikbe na gawa ni Daka
S-abado’t Linggo pagkatapos ng misa’t tanghalian tulong din sa palayan
T-ulay sa San Miguel at San Isidro ang daan pagdalaw sa Inang Sima
U-tos ng Daka ay laging sinunod para sa kabutihan nating lahat na
W-alang hanggang kasiyahan naidulot sa Inang Itang at Amang Doro
Y-aong mahihirap ang laging tinutulungan lalo na ang nasa bilangguan
Maligayang kaarawan kapatid naming mahal sa pagsapit mo ng
80 TAON sa mundong ibabaw. Buhat sa pamilya ni Ric at Laura
Thursday, November 21, 2019
ALA-ALANG NAIWAN NI NANA PURING
ALA-ALANG NAIWAN NI NANA PURING
(Florencia B. Marquez)
A-lay niya sa Poong Maykapal at sa San Miguel ang buong lakas at buhay.
B-ulaklak sa hardin ng mga kaibigan ay ginawang korona para sa patay.
K-rus na bulaklak ang ipinatong sa kabaong ng mga mahal niya sa buhay.
D-asal ng dasal lalu na kung Undas at may nobenaryo bago kapistahan.
E-stampita, Rosaryo, dasalan, larawan ng mga Poon, kalendaryo at aklat
G-awa ng gawa sa bahay, hanapbuhay, at alagaan ang mga pamangkin.
H-alik at yakap ang ipinaranas sa lahat ng mga kaibigan, matanda’t bata.
I-law na maliwanag ang tanglaw paglakad kung walang liwanag ang buwan.
L-aging lumalapit kay Sofia Garcia Balatbat kung may kailangan sa simbahan.
M-aligayang sumali kung sa kapakanan ng bayan at sa mahal na Apo Igue
N-agtrabaho sa ” Philippine Tobacco Flue-Curing and Redrying Corporation.”
Ng-umiting maligaya sa mga misa nina Padre Diune Pobre at Padre Jovi Sebastian.
O-bispo, Santo Papa, padre, madre, munisilyo, katesismo, Ina ng Laging Saklolo.
P-abinyag, pakumpil, pakasal, padasal, pamanhikan, patanim, pangingisda
R-osal, gumamela, sampagita, kampupot at ibang mababangong bulaklak.
“S-alamat ang laging maririnig sa Nana Puring dahil sa katuparan ng hiling
T-unay ang pakisama sa mga guro at nagtapos sa Paaralan ng San Miguel.
U-koy, mani, prutas, kamote, maraming bungang kahoy ang tinda nila ni Benita.
W-alang atubili ang kanyang pagsapi sa lahat ng Samahang
Katoliko sa baryo.
Y-aong kasipagan ay inukol din sa Pabasa ng Pasyon tuwing Linggo de Ramos.
Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa. (Anacleta, Cleotilde, Consolacion, Elpidio, Luz, Magno, Rosa, at Rosendo, ang mababait niyang kapatid na nagpugay sa kanyang pagpasok sa pinto ng langit. Ang mga anghel ay nagsiawit sa kaligayahan.)
Maraming salamat sa angkan ng Bantigue, Natan F. Flores at Alejandra G. Reyes sa nabuong tula para sa ika-40 araw ng pagkamatay ni Nana Puring.
Katha ni Laura Balatbat-Corpuz * Ika-25 ng Oktubre, 2019 * Jollybc2@gmail.com
Subscribe to:
Posts (Atom)