ALA-ALANG NAIWAN NI NANA PURING
(Florencia B. Marquez)
A-lay niya sa Poong Maykapal at sa San Miguel ang buong lakas at buhay.
B-ulaklak sa hardin ng mga kaibigan ay ginawang korona para sa patay.
K-rus na bulaklak ang ipinatong sa kabaong ng mga mahal niya sa buhay.
D-asal ng dasal lalu na kung Undas at may nobenaryo bago kapistahan.
E-stampita, Rosaryo, dasalan, larawan ng mga Poon, kalendaryo at aklat
G-awa ng gawa sa bahay, hanapbuhay, at alagaan ang mga pamangkin.
H-alik at yakap ang ipinaranas sa lahat ng mga kaibigan, matanda’t bata.
I-law na maliwanag ang tanglaw paglakad kung walang liwanag ang buwan.
L-aging lumalapit kay Sofia Garcia Balatbat kung may kailangan sa simbahan.
M-aligayang sumali kung sa kapakanan ng bayan at sa mahal na Apo Igue
N-agtrabaho sa ” Philippine Tobacco Flue-Curing and Redrying Corporation.”
Ng-umiting maligaya sa mga misa nina Padre Diune Pobre at Padre Jovi Sebastian.
O-bispo, Santo Papa, padre, madre, munisilyo, katesismo, Ina ng Laging Saklolo.
P-abinyag, pakumpil, pakasal, padasal, pamanhikan, patanim, pangingisda
R-osal, gumamela, sampagita, kampupot at ibang mababangong bulaklak.
“S-alamat ang laging maririnig sa Nana Puring dahil sa katuparan ng hiling
T-unay ang pakisama sa mga guro at nagtapos sa Paaralan ng San Miguel.
U-koy, mani, prutas, kamote, maraming bungang kahoy ang tinda nila ni Benita.
W-alang atubili ang kanyang pagsapi sa lahat ng Samahang
Katoliko sa baryo.
Y-aong kasipagan ay inukol din sa Pabasa ng Pasyon tuwing Linggo de Ramos.
Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa. (Anacleta, Cleotilde, Consolacion, Elpidio, Luz, Magno, Rosa, at Rosendo, ang mababait niyang kapatid na nagpugay sa kanyang pagpasok sa pinto ng langit. Ang mga anghel ay nagsiawit sa kaligayahan.)
Maraming salamat sa angkan ng Bantigue, Natan F. Flores at Alejandra G. Reyes sa nabuong tula para sa ika-40 araw ng pagkamatay ni Nana Puring.
Katha ni Laura Balatbat-Corpuz * Ika-25 ng Oktubre, 2019 * Jollybc2@gmail.com
No comments:
Post a Comment