Thursday, July 3, 2008

Colegio Medico Parmaceutico Pilipino Inkorporada

Awit sinulat ni Felicisima Balatbat Bacon, M.D.

Sa Perlas ng Silangana'y anong inam pagmalasin
Na may mga manggagamot na dakila ang hangarin
Mga parmasiyotikong kasama sa adhikain
Na maglingkod sa kapuwa isang banal na tungkulin.
~
Gintong layuning 'pinunla ng mga dakilang nagtatag
Nitong bantog na samaha'y buong pusong tinutupad
Paglingap sa kapus-palad; may digmaan ma't tag-hirap
Ang wagas na pagmamahal panahon ang nag-uulat.
~
Korus
~
Colegio Medico Parmaceutico Pilipino Inkorporada
Ang sagisag ng bandila'y tinatanghal sa tuwina
Kalusuga'y manatili, kayamanang nadarama
At palawigin ang buhay na handog ng Diyos Ama. 2x

No comments: