Ika 7-8 ng Mayo, 2009
Ricarte S. at Laura (Balatbat) Corpuz
*
Mahigit na isang taong pinaghandaan ang pista
Nagtayo ng munting bahay sa lupang pamana
At maraming buto ng katikbe ay ipinatanim pa
Gagawing rosaryo pamigay sa araw ng pista.
*
Sinimulan ang bahay ay buwan ng Marso
Hinulugan ng mga barya ang lahat ng kanto
Umuwi naman ako ay buwan na ng Mayo
Bahay nina ka Fely sa Tabang ang tuluyan ko.
*
May ulan, may baha, may hangin pa at bagyo
Ang hiling ko’y patigilin, mahal na Poon ko
Sa anumang sakuna iligtas mo ang mga tao
At mga naghatid sa akin patungo sa kapatid ko.
*
Limang linggo akong balik-balik sa San Miguel
Ang lakad namin ni Jandra'y talagang walang tigil
Sa pinsan kong si Eddie ako rin ay humimpil
At naghihintay sa oras ng kapatid kong darating.
*
Bumalik ako sa Amerika ay buwan na ng Hulyo
Hindi ako nakadalo sa piknik ng mga Pilipino
Matagumpay naman daw at nagsaya ang mga tao
Kalayaan ng bayan ipinagdiwang nila nang husto.
*
Tanim naming katikbe sa Amerika ay malago
Mahahaba ang uhay at malalaki pa ang tubo
Pinitas na lahat ang hinog at saka pinatuyo
Tinuhog na isa-isa, maraming Rosaryo ang nabuo.
*
Pagkatapos ng Pasko kami ni Ric ay umuwi
Apo naming si Emily ang sadya naming napili
Tuwang tuwa sa Pilipinas karanasa’y natatangi
Kahit daw taun-taon ay babalik siyang muli.
*
Mga angkan ng Corpuz at Santos sa Isabela
At kamag-anakan ay muling nagkita-kita
Lahat ng dumalo ay maligayang maligaya
Lalung lalo na si Carmen, mahal nilang ina.
*
Sa awa ng Diyos ang bahay namin ay natapos
At ang pagbendisyon ay amin na ring nairaos
Mga panalangin ng nagsidalo ay taos na taos
Maging masagana sana at biyaya ay mabuhos.
*
Huling linggo ng Abril ay simula ng nobenaryo
May misa araw-araw na dinaluhan ng mga tao
Ang dasal kay San Miguel ipinamigay sa dumalo
May mga palaro pa at may premyo ang nanalo.
*
Bisperas ng pista ay sinundo kami ng musiko
Sa simbahan tumuloy nagsimba ang mga tao
Sa aming tahanan ay mayruon nang salu-salo
Dala ni Padre Tomas ang Banal na Sakramento.
*
Tuwang tuwa ang kalooban ni Padre Lamberto
Nang malaman niyang ginawa nami’y rosaryo
Upang ipamahagi sa aming abay at ibang tao
Paala-ala kay Sofia, Ina kong maagang nabalo.
*
Malakas ang hangin dahil sa dumating na bagyo
Wala namang pangamba ang mga tao sa baryo
Taimtim sa puso ang panalangin sa Diyos na totoo
At itong si San Miguel para bagang nagmilagro!
*
Sumikat ang araw at nagliwanag ang kalangitan
Ang mataas na alapaap ay kay gandang pagmasdan
Maligaya ang lahat, maganda ang awit sa simbahan
Ika-40 taon ng kasal muli kaming nagsumpaan.
*
Ang kapitana at kapitan ay sumunod na sa prusisyon
Sto. NiƱo, Sta. Cruz, Nanalangin, at ibang mga Poon
Ang hermana sa Mahal na Birhen ay kasama rin duon
Kay saya-saya sa San Miguel, pista ng aming patron.
*
Simula pa lamang ng bisperas ay maruon nang kainan
At mga tugtog ng musiko ay kay inam pakinggan
Mahaba ang prusisyon may luses, kwitis, at putukan
Nang matapos na ang prusisyon bigla uling umulan.
*
Ang handog ng mga abay at abuloy na natipon
Ibinigay namin sa simbahan pampaayos ng ating Poon
Ang ginawa kay San Miguel ay pang habang panahon
Tanda ng pagmamahal sa kanya ng mga tao sa nayon.
*
Malaking pasasalamat ang aming pahatid sa lahat
Ang mga nagtaguyod, guro, abay, at alagad ng batas
Sa mga pinsan ko sa San Isidro, may larawan pa at sulat
Ka Fely, Len, Carding, Jandra't Isto dapat ay palakpak.
*
Maraming salamat sa mga kamag-anak at kaibigan
sa pagtangkilik ninyo sa amin!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment