Friday, April 8, 2011

ARAW NG KALAYAAN Katha ni Laura B. Corpuz

***
Ating gunitain ang pakikibaka ng mga bayani
Rurok ng tagumpay ang palagi nilang mithi
Angking kayamanan ang umakit sa dayuhan
Walong lalawiga’y namuno, lumaban sa digmaan

Nuong sakupin ng Kastila bayan nating Pilipinas
Ganda, bango at puso ng mga tao ay nawasak

Katipunan ng Pilipinas dugo’y nabuhos sa labanan
Adhikaing lumigaya sa tuwina ay asam-asam
Layang malaong hinangad dumating at karampatan
Araw ay ika-12 ng Hunyo, 1898 nagsaya ang bayan
Yaring bansa nating mahal ay naging Republika
Awit ng Pilipinas at watawat ay nawagayway na
Anong ligaya ng pagdiriwang sa layang nakamtan!
Na pahayag ni Emilio Aguinaldo ating kasarinlan

Mabuhay ang Pilipinas!!!

Sinulat ni: Laura B. Corpuz
Ika-8 ng Enero, 2011

No comments: