Sinulat ni: Ma. Oliva B. Medina (L.L.N.)
Sa sinapupunan pa lang, akin nang nadarama,
Nanganganib na mundo'y masilayan pa kaya?
Kung sa bawat paghinga nang ina kong sinisinta,
Ay maitim na usok, nilalanghap niya.
~
Ang pagkaing ipinapasok sa katawan kong mura,
May mga kemikal na nakakasira
Di ba"t lubhang mahalaga, pag-ingatan mo ina
Upang sa pagsilang akin nang makita
Isang mundong payapa at kaaya-aya.
~
Nais kong malanghap ay hanging sariwa
Umakyat sa punong sadyang namumunga
Maglangoy sa ilog na maraming isda
Hindi ang nabubulok at mabahong basura.
~
Tinig ko'y dinggin mo
Magmalasakit naman kayo
Pagkat dito'y nakalaan tagumpay ng bukas ko,
Batang matalino, malusog at bibo
Kung yan ang nais n'yo, mundo ko'y ingatan mo.
*************
Tinula ni: Denise Faith Salamat Fernandez
Kinatawan sa Pambayang Kongreso ng mga Bata sa
Larangan ng Pagtula nuong ika 23 ng Oktubre, 2010
sa Mababang Paaralan ng Sta. Monica. Hagonoy, Bulacan
Age : 5 years old
Address: San Isidro, Hagonoy, Bulacan
School: San Miguel Day Care Center
San Miguel, Hagonoy, Bulacan
Theme: " KUNG BRIGHT CHILD ANG GUSTO, MUNDO'Y INGATAN MO"
Award: - FIRST PLACE
Pambayang Kongreso Ng Mga Bata
Binabati at ikinararangal ng pamilya ni Hilarion Balatbat sa San Isidro, Hagonoy, Bulacan ang gantimpalang nakamtan ni Denise. Sana'y ipagpatuloy pa niya ang pagtanggap ng karangalan sa hinaharap na panahon. Pagbati buhat sa pamilya nina Jose at Faustina (Balatbat) Salamat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment