ALA-ALANG
Naiwan ni Nanang Lucing
(Lucila Garcia Perona)
Amarillo,
rosal, santan, at mabangong sampagita ay
mga tanim sa bakuran.
Bunga
ng kahoy ng bulak ay ginagawa niyang palaman sa aming mga unan.
Kasama
sa tindahan ng Daka at Nana Bita sa harap ng aming bahay.
Dasal
gabi’t araw lalo na kung may namatayan at malapit na ang“Undas.”
Emperdible,
aguhilya, klip, aspile, gunting, karayom, sinulid, suyod at suklay
Gabe,
saging at kamote ay inilalaga kakainin namin matapos ang tanghalian.
Handang
pagkain ang dala sa bukid para sa gumagapas at sa Tata Isto at Tata Cinto.
Impong Huli ang
nagsisindi ng ilaw nuong siya ay buhay pa, at hinalinhan ng Nanang.
Laging
nagpupunta ang mag-anak sa Sukol
lalu na kapag pista sa San Sebastian.
Magluluto
ng manok, baboy, bangos at tilapia buhat sa aming palaisdaan.
Nilagang
mani ang tinda niya kung may pista sa aming nayon ng San Miguel
Ngayong
wala na si Nanang ay nalungkot na nang
husto ang buong angkan ng Garcia.
O
kay saklap naman namin nina Calixto at Gaudelia ng
si Nanang ay pumanaw.
Panganay
na anak si Virgilio, ngunit binawian ng buhay ng siya ay isilang.
Rosas
na mabango ay pinaugatan sa sanga, nilagyan ng lupa, binalot at inalagaan .
Saging
na tundalang malapad ang dahon ang pampadulas ng sahig na kawayan.
Tumahi’t
nagburda ng damit pambata at nagsiklat ng
kawayan upang gawaing atip ng bahay.
Ukoy
na kalabasang may hipon ay tunay na masarap lalo na at may paminta, suka at bawang.
Walang
tigil ang gawa sa bahay hanggang matapos ang panggugupit ng buhok ng Tata Siano.
Yaring
“Pasyong Mahal ni Hesukristong Panginoon”
ang mahalagang namana ko sa Nanang.
Sumalangit nawa
ang kaniyang kaluluwa.
Laura Balatbat-Corpuz, Pamangkin
Ika-30
ng Oktubre, 2012 * jollybc2@gmail.com
laurabc@fsmail.bradley.edu