jollybc2@gmail.com 3-18-1997
Rhymes, like riddles, add flavor to the Filipino culture. Some words may not mean anything but they are used to give poetic sounds. I personally believe in the antiquity of these rhymes due to the fact that these were hardly heard of and some are not even taught in schools. My family (Balatbat-Garcia) passed these on to us. I remember my mother, grandparents, great aunts and uncles entertained us at night. In the evening, especially when the moon was bright, instead of playing "Patintero," we would sit on the front porch of our grandparents' house reciting these rhymes. Our close relationship with them inspired all of us, (my sisters and cousins) to memorize them. I know all these by heart and would like to share them with you. Hopefully, you find them interesting and entertaining. There may be some other grandparents who know or have something to say about these rhymes. These rhymes truly amuse me because of the meanings behind them.
"Ang dalagang tumatanda, parang bigas na pinawa
Isabog mo man sa lupa, manok man ay ayaw tumuka."~
"Ang dalaga kapag maganda, batiin mo'y nakatawa."
~ "Ang dalaga kapag pangit, batiin mo'y nagagalit."
~ "Ang dalaga kapag maganda parang hinog na papaya
Ikubli mo man sa sanga uukitin din ng maya."~
"Ang dalaga kapag pangit, parang bayabas na ukit
Iladlad mo man sa langit, ibon ma'y ayaw umukit."
~
"Ang bungang hinog sa sanga, matamis ang lasa."
~
"Ang bungang hinog sa pilit, kung kainin ay mapait."
~
"Ang pag-aasawa ay hindi biro
‘Di tulad ng kanin, iluluwa kung mapaso."
~
The following (Luya, Gugo) may be sung to the tune of Leron, Leron Sinta)
~
1. Luya (Ginger)
Ako ay nagtanin ng kapirasong luya
Tumubo ay gabi, namunga ng mangga
Nang pipitasin ko'y, hinog na papaya
Bumagsak sa lupa'y, magandang dalaga.
~2. Gugo – (Local Shampoo)
Ito palang gugo, ang bunga'y bayugo
Ibong si "tiklores" balahibo'y pito
May pang araw-araw, may pang Linggu-Linggo
Bukod ang pamista, iba ang pamasko.
~
3. Buwan (Moon)
"Buwan, buwan, sisilang; hulugan mo ako ng sundang."
"Aanhin mo ang sundang?"
"Ikakayas ko ng uway."
"Aanhin mo ang uway?"
"Itatali ko sa bahay."
"Aanhin mo ang bahay?"
"Sisidlan ko ng palay."
"Aanhin mo ang palay?"
"Kakanin ko habang buhay."
~
~ Other rhymes used by my family while playing with little children ~
These are fun games to play.
~
1. Usually played by holding baby/infants’ arms and legs together with one hand. The other hand gives a pounding motion while reciting the following rhyme. The baby/infant's legs and arms are released at the same time the word "babae/lalake" is mentioned depending on the baby/infants'gender.
~
"Pong, pong, kasili
Nanganak kagabi
Sa punong haligi
Ano anak? Ano anak?"
(Babae/Lalake/child's name)
~
2. Another fun game to play. The child sits on the extended legs of an adult while reciting this.
Biyabo
"Biyabo, biyabo, sulutin mo si Piro
Kung may huling kuwago
Wala po kung hindi tatlo."
"Saan tayo maglalapa
Sa bahay po ni Kastila."
"Kung tayo po ay magiba
Tukuran ng mababa."
"Kung tayo po ay magiri
Tukuran ng daliri."~
This rhyme sounds like a play itself or a pre-play.
Pen, Pen de Serapen
Pen, Pen de Serapen
De kutsilyo de almasen
Haw, haw de karabao batutin
Sayang pula tatlong pera
Sayang puti tatlong salapi
Sipit namimilipit, ginto't pilak
Namumulaklak sa tabi ng dagat.
~
Religous Rhymes: All Saints' Day
1. Kaluluwa
Kaluluwa kaming tambing
Sa purgatoryo nanggaling
Duon po ang gawa namin
Magdasal at manalangin.
Kaluluwa kaming dakma
Sa purgatoryo nagmula
Duon po ang aming gawa
Manalangin sa Bathala.
Kung kami po'y lilimusan
Dali-dalian po lamang
Baka kami'y mapagsarhan
Ng pinto sa kalangitan.
~
2. Kalambibit (Used During Wake)
~
Dalit-dalit kalambibit
Lulutang-lutang sa tubig
* Kapag ito'y iyong nasagip
* Talian mo ng lubid.
* I made up these lines to complete the rhyme.
Damong Makahiya
(Taught by Lucila Garcia-Perona and Benita Marquez-Garcia (deceased) to their nieces)
Sa paligid nitong landas patungo sa kabukiran
May tumubong isang damo Makahiya, damong parang
Ang dahon ay maliliit, maliliit na halaman
Na sa lupa’y nakahimlay, sumusupling gumagapang.
Itong damong Makahiya ‘di paris ng ibang puno
Pagkat ito’y parang tao, may damdamin at may puso
Ang dahon ay nakabuka, sa hangin ay sumusuyo
Dahan-dahang tumitikom, pag may kamay na humipo
KATAKATAKA
(Source: Unknown)
(Lumang awitin nina Lucila Garcia Perona at Benita Marquez Garcia)
Kataka-takang mahibang
ang katulad ko sa iyo
Biru-biro ang simula
ang wakas pala ay ano?
Aayaw-ayaw pa ako,
ngunit ’yan ay ’di totoo
Dahil sa iyo puso kong
ito’y binihag mo.
Ala-ala ka
maging gabi’t araw
Alipinin mo’y
walang kailangan
Marinig ko lang
sa labi mo hirang
Na ako’y iibigin
lagi habang buhay.
(Inaawit namin ito sa hapon o sa gabi. Mahigpit ang Impong Huli namin, matandang dalaga, kaya hindi namin ipinaparinig sa kanya ang awit.) By Laura B. Corpuz * jollybc2@gmail.com
Copyright @ 1997 All Rights Reserved
No comments:
Post a Comment