~ Tinipon ni Laura B. Corpuz
laurabc@bumail.bradley.edu* Pahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
* Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago;
mabuti pa ang bahay-kubo kung ang nakatira ay tao.
* Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.
* Ang paala-ala ay mabisang gamut sa taong nakakalimot.
* Ang mababa ay maganda, may dangal at puri pa.
* Ang kalusugan ay kayamanan.
* Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit.
* Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.
* Hangga’t makitid ang kumot magtiis mamaluktot.
* Magsisi ka man at huli ay wala nang mangyayari.
* Mahuli man at magaling ay naihahabol din.
* Ang nauuna ay nagsisisi; nagkukumamot ang nahuhuli.
* Nasa huli ang pagsisisi.
* Ang pagkakaton sa buhay ay madalang dumating;
kapag narito na ay ating samantalahin.
* Kung hindi ukol ay hindi bubukol.
* Balat man at malinamnam, hindi mo matitikman.
* Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
* Bawat palayok ay may kasukat na suklob.
* Batang-puso madaling marahuyo.
* Kung saan nahihilig duon din nabubuwal.
* Tikatiktik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.
* Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
* Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman.
* Araw-araw ay “corpus” kung pista ay upos.
* Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.
* Kung ano at sukat ng ohales, iyon din ang sukat ng butones.
* Nasa tao ang gawa; nasa Diyos ang awa.
* Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.
* Ang iyong kakainin ay sa iyong pawis manggagaling.
* Buhay-alamang, paglukso ay patay.
* Isang kahig; isang tuka.
* Buntot mo; hila mo.
* Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.
* Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.
* Lahat ng gubat ay may ahas.
* May alagang ahas.
* Ang anumang kasulatan ay dapat lalagdaan.
* Nasa taong matapat ang huling halakhak.
* Ang tunay na kaibigan ay karamay kailan man.
* Ang tunay na kaibigan ay nakikilala sa kagipitan.
* Ang matapat na kaibigan ay tunay na maaasahan.
* Turan mo ang iyong kaibigan; sasabihin ko kung sino ikaw.
* Ang tunay mong pagkatao, makikilala sa gawa mo.
* Ang tao kapag mayaman, marami ang kaibigan;
kung mahirap na ang buhay masalubong man sa daan hindi na babatiin; hindi pa rin titigan.
* Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa biyenan.
* Ang pag-aasawa ay hindi biro; ‘di tulad ng kanin, iluluwa kung mapaso.
* Nakikita ang butas ng karayom subalit hindi makita ang butas ng palakol.
* Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.
* Hampas ng kalabaw, sa kabayo ang latay.
* Mahirap malipol ang masamang damo.
* Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim.
Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.
* Tulak ng bibig kabig ng dibdib.
* Papunta ka pa lamang ay pauwi na ako.
* Ang lumalakad ng mabagal, kung matinik ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
* Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paruruonan.
* Ang langaw ng dumapo sa kalabaw ay mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
* Maraming salita; kulang naman sa gawa.
* Madaling sabihin subalit mahirap gawin.
* Wala kang mabubunot sa taong kalbo.
* May tainga ang lupa at may pakpak ang balita.
* Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.
* Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing saka nang maluto’y iba ang kumain.
* Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
* Kung matigas ay bato; kung malambot ay tao.
* Pili nang pili; natapatan ay bungi.
* Huwag magbilang ng manok hangga’t hindi napipisa ang itlog.
* Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.
* Nauntog akong minsan, ayaw ko nang mauli; baka sa susunod ngipin ko pa ang mabungi.
* Huwag kang magbintang kung hindi mo nakakamayan.
* Magkupkop ka ng kaawa-awa; langit ang iyong gantimpala.
* Ang mabuting gawa ay kinalulugdan ng madla.
* Kung ang nabasagan ay hindi nanghinayang, ako pa kayang nakabasag lamang?
* Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.
* Ang butong tinangay ng aso, walang salang nalawayan ito.
* Ang utang ay utang; hindi dapat kalimutan.
* Ang iyong hiniram isauli or palitan
Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.
* Kung labis ang tamis ang lasa ay mapait.
* Ang bungang hinog sa sanga matamis ang lasa. Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.
* Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.
* Sala sa lamig; sala sa init.
* Gawin mo sa kapuwa mo ang nais mong gawin niya sa iyo.
* Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng buong katawan.
* Ang mabigat at gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.
* Masakit ang katotohanan.
* Madaling pumitas ng bunga kung dadaan ka sa sanga.
* Ibong sa ahola'y ikinulong nang mahigpit kapag nakawaly's hindi na babalik.
* Barang ginamit mo sa iyong kapuwa, siya ring panukat sa iyong pagkadapa. (Mula sa tula ni Laura - Ang Tubig,
http://www.ofw.bagongbayani.com/)
* Ang karunungan ay kayamanan gamitin mo sa kabutihan.
* Kahoy mang babad sa tubig, sa apoy huwag ilapit
'pag ito' naradang sa init, sapilitang magdidikit.
* Nawawala ang ari, ngunit ang uri ay hindi.
* Pagsapit ng gabi'y laging may umaga.
* Sa larangan ng digmaan nakikilala ang tapang.
* Kung may hirap ay may ginhawa.
* Kung may isinuksok, mayruong madurukot.
* Kung may itinanim, mayruon ding aanihin.
* Walang pagod magtipon walang hinayang magtapon.
* Kung ano ang taas ng pagkadakila, siya ring lagapak kapag nadapa.
* Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.
* Bago mo batiin ang dungis ng ibang tao, dungis mo muna ang tingnan mo.
* Nang makatagpo ng damit na payong, ang abang anahaw ay 'di na malingon.
* Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring silbi kapag nag-iisa.
* Minamahal habang mayruon; kung wala ay patapun-tapon.
* Ang gawa sa pagkabata dala hanggang sa pagkamatanda.
* Ang taong maiingitin lumigaya may ay sawi rin.
* Sa taong may tunay na hiya, ang salita ay panunumpa.
* Walang matiyagang lalake sa pihikang babae.
* Walang matibay na baging sa mahusay maglambitin.
* Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
* Kung takot ka sa ahas iwasan mo ang gubat.
* Matutuyo na ang sapa nguni't hindi ang balita.
* Ang tunay na anyaya ay may kasamang hila.
* Binatang taring, buwal may'y tayo rin.
* Ikaw ana bahala; ako ang kaawa-awa.
* Ang damdaming nasugatan gumaling may ay balatukan.
* Ang anumang mabigat ay gumagaan kung pagtutulung-tulongan.
* Pahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
* Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit.
* Ang nauuna ay nagsisisi, nagkukumamot ang nahuhuli.
* Kung hindi uko, hindi bubukol.
* Balat man at malinamnam, hindi mo matitikman.
* Matalino man ang matsing, napaglalangan din.
* Bawat palayok ay may kasukat na suklob.
* Batang puso madaling marahuyo.
* Kung sann nahihilig duon din nabubuwal.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*