Wednesday, May 14, 2008

SALAWIKAIN AT KASABIHAN (Mula sa Mga Pahina ni Laura) laurabc@bradley.edu

~ Tinipon ni Laura B. Corpuz
laurabc@bumail.bradley.edu

* Pahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

* Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago;
mabuti pa ang bahay-kubo kung ang nakatira ay tao.

* Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.

* Ang paala-ala ay mabisang gamut sa taong nakakalimot.

* Ang mababa ay maganda, may dangal at puri pa.

* Ang kalusugan ay kayamanan.

* Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit.

* Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.

* Hangga’t makitid ang kumot magtiis mamaluktot.

* Magsisi ka man at huli ay wala nang mangyayari.

* Mahuli man at magaling ay naihahabol din.

* Ang nauuna ay nagsisisi; nagkukumamot ang nahuhuli.

* Nasa huli ang pagsisisi.

* Ang pagkakaton sa buhay ay madalang dumating;
kapag narito na ay ating samantalahin.

* Kung hindi ukol ay hindi bubukol.

* Balat man at malinamnam, hindi mo matitikman.

* Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.

* Bawat palayok ay may kasukat na suklob.

* Batang-puso madaling marahuyo.

* Kung saan nahihilig duon din nabubuwal.

* Tikatiktik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.

* Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

* Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman.

* Araw-araw ay “corpus” kung pista ay upos.

* Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.

* Kung ano at sukat ng ohales, iyon din ang sukat ng butones.

* Nasa tao ang gawa; nasa Diyos ang awa.

* Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.

* Ang iyong kakainin ay sa iyong pawis manggagaling.

* Buhay-alamang, paglukso ay patay.

* Isang kahig; isang tuka.

* Buntot mo; hila mo.

* Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.

* Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.

* Lahat ng gubat ay may ahas.

* May alagang ahas.

* Ang anumang kasulatan ay dapat lalagdaan.

* Nasa taong matapat ang huling halakhak.

* Ang tunay na kaibigan ay karamay kailan man.

* Ang tunay na kaibigan ay nakikilala sa kagipitan.

* Ang matapat na kaibigan ay tunay na maaasahan.

* Turan mo ang iyong kaibigan; sasabihin ko kung sino ikaw.

* Ang tunay mong pagkatao, makikilala sa gawa mo.

* Ang tao kapag mayaman, marami ang kaibigan;
kung mahirap na ang buhay masalubong man sa daan hindi na babatiin; hindi pa rin titigan.

* Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa biyenan.

* Ang pag-aasawa ay hindi biro; ‘di tulad ng kanin, iluluwa kung mapaso.

* Nakikita ang butas ng karayom subalit hindi makita ang butas ng palakol.

* Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.

* Hampas ng kalabaw, sa kabayo ang latay.

* Mahirap malipol ang masamang damo.

* Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim.
Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.

* Tulak ng bibig kabig ng dibdib.

* Papunta ka pa lamang ay pauwi na ako.

* Ang lumalakad ng mabagal, kung matinik ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.

* Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paruruonan.

* Ang langaw ng dumapo sa kalabaw ay mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.

* Maraming salita; kulang naman sa gawa.

* Madaling sabihin subalit mahirap gawin.

* Wala kang mabubunot sa taong kalbo.

* May tainga ang lupa at may pakpak ang balita.

* Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.

* Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing saka nang maluto’y iba ang kumain.

* Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

* Kung matigas ay bato; kung malambot ay tao.

* Pili nang pili; natapatan ay bungi.

* Huwag magbilang ng manok hangga’t hindi napipisa ang itlog.

* Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.

* Nauntog akong minsan, ayaw ko nang mauli; baka sa susunod ngipin ko pa ang mabungi.

* Huwag kang magbintang kung hindi mo nakakamayan.

* Magkupkop ka ng kaawa-awa; langit ang iyong gantimpala.

* Ang mabuting gawa ay kinalulugdan ng madla.

* Kung ang nabasagan ay hindi nanghinayang, ako pa kayang nakabasag lamang?

* Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.

* Ang butong tinangay ng aso, walang salang nalawayan ito.

* Ang utang ay utang; hindi dapat kalimutan.

* Ang iyong hiniram isauli or palitan
Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.

* Kung labis ang tamis ang lasa ay mapait.

* Ang bungang hinog sa sanga matamis ang lasa. Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.

* Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.

* Sala sa lamig; sala sa init.

* Gawin mo sa kapuwa mo ang nais mong gawin niya sa iyo.

* Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng buong katawan.

* Ang mabigat at gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.

* Masakit ang katotohanan.

* Madaling pumitas ng bunga kung dadaan ka sa sanga.

* Ibong sa ahola'y ikinulong nang mahigpit kapag nakawaly's hindi na babalik.

* Barang ginamit mo sa iyong kapuwa, siya ring panukat sa iyong pagkadapa. (Mula sa tula ni Laura - Ang Tubig, http://www.ofw.bagongbayani.com/)

* Ang karunungan ay kayamanan gamitin mo sa kabutihan.

* Kahoy mang babad sa tubig, sa apoy huwag ilapit
'pag ito' naradang sa init, sapilitang magdidikit.

* Nawawala ang ari, ngunit ang uri ay hindi.

* Pagsapit ng gabi'y laging may umaga.

* Sa larangan ng digmaan nakikilala ang tapang.

* Kung may hirap ay may ginhawa.

* Kung may isinuksok, mayruong madurukot.

* Kung may itinanim, mayruon ding aanihin.

* Walang pagod magtipon walang hinayang magtapon.

* Kung ano ang taas ng pagkadakila, siya ring lagapak kapag nadapa.

* Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.

* Bago mo batiin ang dungis ng ibang tao, dungis mo muna ang tingnan mo.

* Nang makatagpo ng damit na payong, ang abang anahaw ay 'di na malingon.

* Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring silbi kapag nag-iisa.

* Minamahal habang mayruon; kung wala ay patapun-tapon.

* Ang gawa sa pagkabata dala hanggang sa pagkamatanda.

* Ang taong maiingitin lumigaya may ay sawi rin.

* Sa taong may tunay na hiya, ang salita ay panunumpa.

* Walang matiyagang lalake sa pihikang babae.

* Walang matibay na baging sa mahusay maglambitin.

* Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.

* Kung takot ka sa ahas iwasan mo ang gubat.

* Matutuyo na ang sapa nguni't hindi ang balita.

* Ang tunay na anyaya ay may kasamang hila.

* Binatang taring, buwal may'y tayo rin.

* Ikaw ana bahala; ako ang kaawa-awa.

* Ang damdaming nasugatan gumaling may ay balatukan.

* Ang anumang mabigat ay gumagaan kung pagtutulung-tulongan.

* Pahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

* Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit.

* Ang nauuna ay nagsisisi, nagkukumamot ang nahuhuli.

* Kung hindi uko, hindi bubukol.

* Balat man at malinamnam, hindi mo matitikman.

* Matalino man ang matsing, napaglalangan din.

* Bawat palayok ay may kasukat na suklob.

* Batang puso madaling marahuyo.

* Kung sann nahihilig duon din nabubuwal.

*

*

*





*

*

*

*

*

*

*

*

*

*

*

*

*

No comments: