Wednesday, March 19, 2008

Panalangin Ukol sa Kapayapaan - San Francisco de Asisi

Panginoon, gawin Mo akong kasangkapan ng Iyong kapayapaan. Papaghasikin Mo ako ng kapayapaan saan man may alitan; ng pananampalataya saan man may alinlangan; ng pag-asa saan man walang pag-asa; ng liwanag saan man may kadiliman; ng tuwa saan man may kalungkutan.
O Diyos ng Panginoon, ipagkaloob Mong higit kong hangarin ang makaaliw kaysa aliwin; ang makaunawa kaysa unawain; ang magmahal kaysa mahalin: sapagkat nasa pagbibigay ang pagtanggap; nasa pagpapatawad ang pagkakamit ng patawad; at nasa pagkamatay ang ating pagsilang sa buhay na walang hanggan.

Panalangin Ukol sa Kapayapaan - San Francisco de Asisi

Ang Iyong Hamon


Panginoon, gawin Mo akong kasangkapan ng Iyong kapayapaan. Papaghasikin Mo ako ng kapayapaan saan man may alitan; ng pananampalataya saan man may alinlangan; ng pag-asa saan man walang pag-asa; ng liwanag saan man may kadiliman; ng tuwa saan may may kalungkutan.


O Diyos na Panginoon, ipagkaloob Mong higit kong hangarin ang makaali kaysa aliwin; ang makaunawa kaysa unawain; ang magmahal kaysa mahalin: sapagkat nasa pagbibigay ang pagtanggap; nasa pagpapatawad ang pagkakamit ng patawad; at nasa pagkamatay ang ating pagsilang sa buhay na walang hanggan.

Mga Aral Buhat sa Pasyong Mahal ng Ating Panginoong Hesukristo

Ilang Bahagi na Aral ng Pasion

Adan ang iyong asawa
Mamahalin mo tuwi na
At katawan mo rin siya
Sundin mo anumang ola
Tungkol sa gawang maganda.

At ikaw naman babae
Sisintahin mong parati
Si Adan na iyong kasi
Susundin mo araw at gabi
Tungkol sa gawang mabuti.

Nguni't ang palaaway
Punog kinapopootan
Mapagtalo gabi't araw
Tuloy ikinapaparam
Grasyang kamahalmahalan.

Ang wika ay iisa pa
Ng iyong ama at ina
Ang tugon mo'y sanlibo na
Paglaban mo ring talaga
At pagsuway sa kanila.

Sukat mong ikabalisa
At gunitain tuwina
Hirap sakit na lahat na
Pawang tiniis at binata
Ng iyong ama at ina.

Ang tao hanggang mayaman
Marami ang kaibigan
Kung mahirap na ang buhay
Masalubong man sa daan
"di batii't titigan.

Kahit ma't tadtarin mo
Ang laman mo't sampung buto
Sampung tanang balahibo
'di pa sukat ibayad mo
Sa mga hirap sa iyo.

Kung magaling ang gawa mo
Daming pupuri sa iyo.

Ang kay Cesar ay kay Cesar
Ang sa Diyos, sa Diyos naman.

Ang palalong walang toto
Api saan man patungo
Sa hirap nananagano.

Kung gayon ang iyong tika
Tantong nagkakamali ka
Ang mababa ay maganda
Siyang ikagiginhawa
May puri at may buhay pa.

Yamang 'di natin malaman
Yaong oras kung kailan
Pagdating ng kamatayan
Ay itangis gabi't araw
Lahat nating kasalanan.

Samantalang may oras pa
Ay maglaan kang maaga
Kung gumabi't dumilim na
Ay lalong maghihirap ka
Gumawa'y ngangapa-ngapa.

ARAL NG AMA AT INA

Alamin mo anak, nang kita'y isilang
Ako at ang ama'y hirap ang puhunan
At sa kadadaing sa Poong Maykapal
Ikaw ay lumaki't ngayo'y nabubuhay.

Ito ay utang mo sa Poong Lumikha
Pangalawa lamang kaming nag-alaga
Kaya nga anak ko, ikaw'y umunawa
Sa mga habilin ng mga matanda.

Ang susog ko anak, huwag magsinungaling
Maging matapat ka sa iyong damdamin
Kung susunod ka sa aming habilin
Ikaw ma'y malayo, kami ay kapiling.

Anak na magalang, ang magpakababa
Laban sa matuwid ugaling dakila,
Kung ikaw'y dalawin ng masamang haka
Iyong maalala ang aming babala.

Ang gawang paggalang at pakikitungo
Ay siya ngang tanda ng pagka-ginoo
Pag ito'y nawala kangino mang tao
Parang isang kahoy na walang anino.

Tinipon ni Laura Balatbat-Corpuz (April 25, 2000)

PANALANGIN KAY SAN MIGUEL (TAGALOG/ENGLISH

San Miguel Arkanghel, ampunin mo kami sa labanan at maging bantay ka nawa namin sa kalupitan at sa mga silo ng demonyo. Sugpuin nawa siya ng Diyos, na ipinagmamakaawa namin sa iyo, at ikaw, Prinsipe ng mga Hukbo sa Langit, sa kapangyarihan ng Diyos, ibulid mo sa kailaliman ng impiyerno, si Satanas at ang lahat ng malulupit na espiritu, na gumagala sa sanlibutan at nagpapahamak sa mga kaluluwa.

Siya Nawa.
~
Saint Michael the Archangel, defend us in battle. Be our protection against the wickedness and snares of the devil. May God rebuke him, we humbly pray; and do Thou, O Prince of the Heavenly Host -by the Divine Power of God -cast into hell, satan and all the evil spirits, who roam throughout the world seeking the ruin of souls.

Amen.

Tuesday, March 18, 2008

HAPPY FATHER'S DAY


Holds you tight and kisses your hand
Amazing and unconditional love for family
Plays fun games with growing children
Praises us for our accomplishments
You mean everything to all of us

Firm are his words each time he speaks
Allows us to grow and have a dream
Teaches his children to love and care
Hears many sweet voices of children
Enjoys precious moments at home
Reads stories that give moral lessons
Shows examples of a model father

Day in and day out, he’s there for us
All your love is what we treasure
Yes, it is a “joy” to be our father

By: Laura B. Corpuz (laurabc@bumail.bradley.edu)
1/22/2007

HAPPY MOTHER'S DAY


Heart is so big to keep us close and dear
Advices are always wise and best for us
Presence is a remedy when child is ill
Patiently and silently weeps when in pain
Youth once and now is a good mother

Many sleepless nights from birthing on
Our triumphs make her feel great and proud
Teaching children to be kind and polite
Holds children gently in time of sorrows
Endless love for all her children is marvelous
Religiously raising us to have a bright future
Sacrifices she endures are truly incredible

Devotion to the family is everlasting
Admirable model for her growing children
Your love is the foundation of an ideal family

Laura B. Corpuz
March 18, 2006

Happy Mother's Day






HAPPY MOTHER’S DAY


Heart is so big to keep us close and dear
Advices are always wise and best for us
Presence is a remedy when child is ill
Patiently and silently weeps when in pain
Youth once and now is a good mother

Many sleepless nights from birthing on
Our triumphs make her feel great and proud
Teaching children to be kind and polite
Holds children gently in time of sorrows
Endless love for all her children is marvelous
Religiously raising us to have a bright future
Sacrifices she endures are truly incredible

Devotion to the family is everlasting
Admirable model for her growing children
Your love is the foundation of an ideal family

Laura B. Corpuz
March 18, 2006