TONDO MEDICAL SOCIETY
TONDO, MANILA, PHILIPPINES
*
Kaming mga manggagamot sa Tondo'y naglilingkod,
Sa mga bata't matatanda, sa mayaman at mga dukha,
Ang kanilang kalusugan, aming pinangangalagaan,
Ano mang sakit at karamdaman, hangad naming malunasan.
*
Bandila'y ginto at pulang kulay, marangal makatarungan,
May tatak ng Kagitingan, pag-asa ng bayan,
Ang sagisag ay Sarimanok ng Kapisanan ng Manggagamot
Sa Tondo ng ini-irog ang Unang Purok ng Lungsod.
*
Koro
*
Tondo Medical Society ng Maynilang kinakasi,
Sa pag-unlad bahagi kami, sa patnubay ni YAHWEH,
*
Umaraw man o umulan, bahang 'di maiwasan,
Masungit man ang kalikasan, tuloy ang pulungan,
Kung panahon ng damayan, lahat ay maaasahan,
Matatag na samahan, 'di magagapi ng kasamaan.
*
Pagmamahal sa kapwa, sa aming puso ipinunla,
Ng mga nunong dakila, taga-kanlurang Maynila,
Ito'y aming gagampanan, buhay nami'y nakalaan,
Bukas ang puso't isipan, maglilingkod sa iyo O Inang Bayan.
*
Koro 2x
Lyrics by: Felicisima Balatbat Bacon, M.D.
President, KMT
1996-1999
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment