Monday, March 24, 2008

Angelus - Pilipino/Panalangin bago Matulog

N: Ang anghel ng Panginoon ay nagbalita kay Santa Maria.
L: At siya'y naglihi, lalang ng Espiritu Santo.

Aba Ginoong Maria ...

N: Narito ang alipin ng Panginoon.
L: Maganap nawa sa akin ang ayon sa wika mo.

Aba Ginoong Maria...

N: At ang salita ay nagkatawang tao.
L: At nakipamuhay sa atin.

Aba Ginoong Maria...

N: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos.
L: Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo: Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa sa iyong mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng angel ay nakilala namin ang pagkakatawang tao ni Hesukristong Anak mo, pakundangan sa mahal na pasakit niya sa Krus papakinabangan mo kami ng kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kadakilaan sa langit. Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.
Lualhati sa Ama... (Tatlong ulit)

*****

Panalangin bago Matulog
(Vicente D. Santos)

Hesus, ako'y matutulog
Bendisyunan mo ang aking loob
Nang hindi ako matakot
Sa masamang bungang-tulog.

Hesus, ako'y matutulog na
Bendisyunan mo ang aking kaluluwa
Nang hindi ako magikla
Sa masamang alaala.

3 comments:

sosacity said...

maraming salamat dito!

Unknown said...

Thanks a lot for this blog... It's very useful indeed!

RiMuRuTeMpEsT said...

this was a prayer of my grandfather, before we sleep.. just remember it now,