The ancestry search started in October 1983
With my children’s' homework, "Construct a Family Tree"
I recalled the names of my own family
Tata Piso sketched mainly the "Hilarion Tree."
~~
A family tree was purchased for me
I began to write down names from my memory
Filled with a feeling of inadequacy, I searched more intensely
Asking many relatives for locations of distant family.
~~
Answers to my questions were not found easily
During the year, our tree grows sometimes rapidly
If we don't trace the roots or our ancestry
We'll lose the memory of our relatives, our genealogy.
~~
Each year, the chart keeps growing; it's on a coat of wood
We have to step back and trace the inner wood
It can't be left alone, decay like distant memories, it could
Lacquer it with filial love, this I believe, we should.
~~
In July of 1996, I went to New Jersey
I visited cousins from the Garcia Family
Reynaldo Balatbat was introduced to me
We talked about Apo Pitong, Ellenita and Josie.
~~
Mary Ann, Bobby, Aurora, and Nana Letty
Impong Biste, Apo Ibiang, and Apo Vicente
San Isidro, San Miguel, almost everybody
About the "Balatbats", he sent me a history.
~~
From some relatives, we have learned
Some birth records may have been burned
Informed all of those that are concerned
In this family effort, pride, and integrity will be learned.
~~
Assistance of Lette was asked by Tanny
Cousins Rico, Rene, with the help of Necy
Many relatives’ names were given to me
By Nelson, cousin Eddie, and sister Fely's family.
~~
Then Nana Linda and Nana Fely came in the picture
Shining bright lights to work of this nature
With all intentions that are clear and pure
Our family's inquiries will be answered, that's for sure.
~~
Research of Apo Pecto, Apo Pacio, and Uncle Rey
In the 1980s, they worked on the tree day after day
Tracing our roots while others sincerely pray
That more names will surface, hopefully someday.
~~
Tony from Binasal called up his father
Grandpa Albino, he inquired further
Father of Macario and Ursula, his sister
And to Igmedio, he was a very good uncle.
~~
Aunts, uncles, cousins, and names of relations
These updated our records, updates continue in action
Eyes grew big and everything is now in motion
What a blessing it is, this work of love and devotion!
~~
Yes, indeed! It's a huge Family quest
Legal names I insist and continue to request
A phone call at home, check drawers or chest
It's our "historial record;" this is not a test!
~~
And a Web-site idea, oh how wonderful!
In this, Nana Fely is talented, and very skillful
Her day's schedule is heavy, and "to do" list is full
For her work on the "tree", we are very grateful!
~~
I encourage all of you to send any information
Uncle Rey and Nana Fely assure us of some satisfaction
We cannot expect accuracy nor can we expect perfection
But we are the "bridge builders" to the succeeding generation.
~~
Now that the "tree" appears so much bigger
Its branches and limbs are a lot sturdier
While the roots are growing deeper and deeper
Our vigilant nurturing is needed, making the trunk ever stronger.
~~
The tree will need nutrients and real substance
For the flowers to bloom and give the sweetest fragrance
We shall maintain its beauty and radiance
The "Family Tree" will look gorgeous, even from a distance.
~~
Lots of "Balatbat" families are now on the record
For this project, multiple copies, certainly, I can afford
We can post all the charts on a huge display board
Our dear families will enjoy with one accord.
~~
"Many Thanks" to all of who help and contiually helping
Together, we say "thank You," Oh dear Lord!
~~~
Angkan ng Balatbat
~~
Nuong Oktubre isang libo siyam na raan at walumpo't tatlo
"Pinagmulan ng Angkan" ang takdang-aralin ng mga anak ko
Inisip kong lahat ang mga pangalan sa pamilya ko
Iginuhit ng Tata Piso'y ang Hilarion na Lolo ng Ama ko.
~~
Isang tsart na pam-pamilya ang binili para sa akin
Upang sulatan ko ng lahat ng mga pangalan namin
Parang kulang man din, inisip kong saliksikin
Ang mga kamag-anak na kung saan-saan nakarating.
~~
Mahirap masagot ang aking mga katanungan
Sapagkat mabilis yumabong itong ating angkan
Kung hindi hahanapin yaong pinanggalingan
Mawawala nang lahat ang ating kamag-anakan.
~~
Ang katawang lumaki sa ugat na tinubuan
Taun-taon ay tumataas, lumalapad araw-araw
Kalingain natin ito, hindi dapat mapabayaan
Ang pagtingin nating mahal, ang tanging kailangan.
~~
Hulyo, isang libo siyam na raan at siyampu't anim
Dinalaw ko sa "New Jersey" ang Garcia pinsan namin
Si Reynaldo Balatbat ay ipinakilala sa akin
Apo Pitong, Ellenita, at Josie ang usapan namin.
~~
Mary Ann, Bobby, Aurora, at saka Nana Letty
Impong Biste, Apo Ibiang, at Apo Vicente
San Isidro, San Miguel, kamag-anak ay kasale
Pinagmulan ng Balatbat, nagbigay na walang atubile.
~~
Ayon din sa marami nating mga kamag-anakan
Maaaring nasunog ang talaan ng mga pangalan
Ito'y ipinabatid sa lahat ng kinauukulan
Anumang labasan nito'y isa nating karangalan.
~~
Ang tulong ni Lette ay kinailangan ni Tanny
Pangalan ng kamag-anak nating parami nang parami
May galing din kay Mateo, Rico, Rene, at Necy
Gayon din kina Nelson, Eddie at pamilya ng Ka Fely.
~~
At nang mabatid nina Nana Fely at Nana Linda
Binigyan nila ng liwanag itong hangaring maganda
Ang mga katanungan tungkol sa ating pamilya
At ang pinagmulan ng angkan ay masasagot na.
~~
Ang Apo Pecto, Apo Pacio, at Tata Rey rin ay nagtanong
Nuong isang libo siyam na raan at walumpong taon
At ang iba ay nagdasal, umaga, tanghali at hapon
Nawa'y ang ibang kamag-anak natin makita at matunton.
~~
Sa Binasal ay tumawag si Tony na pinsan ko
Upang liwanagin ang tungkol sa kanyang Lolo Albino
Siya ang kilalang ama nina Ursula at Macario
Sila'y pinsan buo ni Igmedio, ang mahal na Ama ko.
~~
Ang lahat ng pangalan ng ating kamag-anakan
Ay naidagdag na sa humahaba nang listahan
Mata ko ay nanlaki nang ito'y aking masilayan
Tunay na biyaya, gawang malasakit at kabutihan!
~~
Mga pamilya na natin ang katulong na naghahanap
Sa ibat-ibang panig ng mundo tayo nangapadpad
Tunay na pangalan ang aking laging hinahangad
Ito'y hindi pagsubok; ito'y kasaysayan ng Balatbat!
~~
Ang balak na "Web-site" ay kay gandang dinggin!
Ang Nana Fely ay mahusay sa ganitong mga gawain
Abala man siya sa maghapong aasikasuhin
Nag-uukol ng panahon, pasasalamatan natin.
~~
Kaya ang hiling ko sa inyo'y mga pangalan pa ng iba
May mga tamang pangalan, mayruong dapat ayusin pa
Ang Nana Fely at Tata Rey ay magbibigay ligaya
Tayo ang "taga-gawa ng tulay" para sa pamilya.
~~
Ngayong malaki na ang puno ng ating angkan
Pati ang mga sanga'y lumalaki't tumitibay
Palalim nang palalim ang tubo ng ugat naman
Ang pag-aalaga nati'y kailangang-kailangan.
~~
Tunay na pang-unawa at ang ating pagmamahalan
Ang magpapabulaklak, magbibigay ng kabanguhan
Pananatilihin din natin ang kaniyang karikitan
Kahit na sa malayo'y napakagandang pagmasdan.
~~
Maraming pamilya ng Balatbat ang ngayo'y nasusulat
Kahit ilang sipi, handog ko ang pagbabayad
Ang lahat ng pangalan ay napakagandang iladlad
Sa ating mga dingding, pinaghirapan nating lahat.
~~
"Maraming Salamat" sa mga tumulong at sa patuloy ninyong pagtulong!
Sabay-sabay tayong magsabing "salamat sa Iyo, Diyos."
~~
Laura G. Balatbat-Corpuz
No comments:
Post a Comment