Monday, October 6, 2014

TARCILA S. SALAMAT

*** 
TARCILA S. SALAMAT
**
Tanging ikaw nga lamang ang lagi naming nadaratnan
Angkin mong kabaitan ay tunay na walang makakapantay
Radyo sa tahanan ang batayan ng oras mo araw-araw
Cavite, Laguna, Malolos, Tarlac, nais mo ring marating
Ikaw ang bantay sa bahay at maghapon kang naghihintay
Lahat ng tao sa inyong purok sa iyo ay may paggalang
Ayos ka nang ayos, sinisinop at naglilinis sa bakuran
 **

Sa kaibuturan ng puso mo ay ang gintong pagmamahal
 **

Sa araw at gabi man ay mayruon kang ipinagdarasal
Ang tagumpay ng mga apo mo ang iyong kaligayahan
Luto ka nang luto ng iba’t ibang masasarap na ulam
Ang buong pamilya, kapatid, at kaibigan ay nasisiyahan
Masipag kang totoo at matatawag na “Inang Uliran”
Ani mong mga gulay ay talagang napapakinabangan
Taga-payo ang papel mo sa laki nitong ating angkan

        Laura Laura Balatbat-Corpuz, Ika-13 ng Agosto, 2013 *jollybc2@gmail.com


No comments: