***
(Kaharian ng Diyos)
***
Isang banal na tungkulin ang kay Jesus ay sumunod,
At isabuhay ang aral, buong pusong itaguyod,
Kahit may pagtuligsa, mga sagabal, pagsubok,
Ipahayag sa mahirap ang kaharian ng Diyos.
Ano ba talaga ang laman ng ating mangkok?
Ito'y katulad ng lila na nakababad sa Diyos,
Dinidilig ng sulat ng Ebanghelista't Propeta,
Sa tuwa at hapis ay kaisa Siya.
Batay kay Isaiah, ang kaharian ng Diyos,
Pagalingin ang may sakit, ang gutom ay mabusog,
Makalaya ang bilanggo sa madilim na kulungan,
Sariling lupa sa lahat, patawarin ang may utang.
Makakita ang bulag, ang lumpo ay makakalakad,
Mabigyan ang naaapi ng katarungang dapat,
Pagkabuhay na mag-uli, malupig ang kamatayan,
Makarinig ang bingi, "Jubilee Year" ipagdiwang.
Bagong mundo'y maranasan, tuwa sa bagong daigdig,
Ang kaharian ng Diyos na sa atin ay sasapit,
Ito ang natutuhan bunga ng pananaliksik,
Ng matalinong Teologo, Fr. Carlos H. Abesamis.
Maraming salamat po sa lahat ng kaalaman,
Ang lalim na tinurong buong puso't pagmamahal,
Gintong aral sa kristolohiya na hindi malilimutan,
Pagpalain kayo ng Diyos habang kayo'y nabubuhay.
Iyan ang taos-pusong hatid at pahayag ngayon,
Ng mga mag-aaral Arnel, Larry, Roger, Jason,
Kasama-sama palagi na sina Mark at saka Jhun,
Ngunit higit sa lahat ay sina Pining, Rina at Fely Bacon.
Fely B. Bacon - Ika 28, ng Setyembre, 1999
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment